AngBeKi, kinaaliwan sa masayang bonding nila sa bahay nina Angelica Panganiban

AngBeKi, kinaaliwan sa masayang bonding nila sa bahay nina Angelica Panganiban

- Binahagi ni Angelica Panganiban ang video ng masayang bonding moment nila ng mga kaibigang sina Kim Chiu at Bela Padilla

- Ani Angge, ang huling pagpunta ng dalawang kaibigan niya sa kanila ay noong mag boyfriend pa lamang sila ni Greg Homan

- Bukod sa kanilang biruan ay inaliw din nila ang anak ni Angelica na tinatawag nilang si Bean

- Napakanta pa sila habang tila nagtataka ang anak ni Angelica sa tawanan at kantahan ng kanyang mama at kanyang mga ninang

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasilip ni Angelica Panganiban ang masayang kulitan nila ng mga kaibigang sina Kim Chiu at Bela Padilla. Marami ang naaliw sa biruan ng magkakaibigan na tinatawag bilang AngBeKi na mula sa pinagsama-samang pangalan nila.

AngBeKi, kinaaliwan sa masayang bonding nila sa bahay nina Angelica Panganiban
AngBeKi, kinaaliwan sa masayang bonding nila sa bahay nina Angelica Panganiban (@iamangelicap)
Source: Instagram

Sa isang bahagi ng video ay makikitang kumanta pa sila ng awiting "Tomorrow." Kinaaliwan ang reaksiyon ni Bean habang kumakanta at nagtatawanan ang tatlo. Biro pa nina Bela at Kim, mukhang nagulat ang bata na nag-iba ang kanyang mama kahit anim na buwan na niyang nakakasama ito.

Read also

Derek Ramsay, napa-mura sa kaba sa canyon swing experience nila ni Ellen Adarna

Si Angelica Panganiban ay isang aktres sa telebisyon at pelikula. Nakilala sa siya sa kanyang husay sa pag-arte at pagpapatawa. Sa kanyang murang edad na anim na taong gulang, sumabak si Angelica sa pag-arte at naging bahagi ng youth-oriented show na Ang TV.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naibahagi ni Angelica ang kanyang mga na-block na numbers dahil sa spam messages at fake job offers na natanggap. Napatanong siya tungkol dito kung madami pa rin ba ang mga spam texts kung bago ang gagamitin mong sim card. Dahil sa kanyang tweet ay marami ang nagbahagi ng kanilang karanasan kaugnay sa pagkakatanggap ng spam messages. Mayroong nagsasabing kahit bago ang sim card ay nakakatanggap pa rin ng maraming text messages mula sa mga di kilalang number.

Sa kanyang vlog noong hindi pa siya nanganganak, humiling si Angelica sa kanyang boyfriend na si Gregg na i-foot massage umano siya nito sa unang araw mismo ng kanyang susunod na pagbubuntis. Ani Gregg, matagal pa naman iyon pero aniya ay okay naman sa kanya na gawin iyon para kay Angge. Mapapanood ito sa The Homans – ang YouTube channel nila ni Gregg kung saan gumawa siya ng Banana Bread Ice Cream. Nakatakdang manganak si Angelica sa unang baby nila ni Gregg na isang baby girl.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel