Candy Pangilinan, tiniis na hindi kausapin ang anak para disiplinahin ito

Candy Pangilinan, tiniis na hindi kausapin ang anak para disiplinahin ito

- Tiniis ni Candy Pangilinan na huwag pansinin at kausapin ang anak niyang si Quentin sa loob ng tatlong araw

- Ito ay matapos umanong magka-meldown ang anak at nagkapasa siya sa kanyang braso

- Ani Candy, ginagawa niya ito para magkaroon ng pagsisi ang kanyang anak sa kanyang nagawa

- Kinausap niya ito nang masinsinan para ipaintindi ang maling nagawa niya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Candy Pangilinan na tiniis niyang huwag kausapin ang anak niyang si Quentin para maisip nito na mali ang kanyang nagawa. Nagkaroon daw ito ng meldown at nagka-pasa daw si Candy.

Candy Pangilinan, tiniis na hindi kausapin ang anak para disiplinahin ito
Candy Pangilinan, tiniis na hindi kausapin ang anak para disiplinahin ito (@candypangilinan)
Source: Instagram

Kinalaunan ay kinausap ni Candy nang masinsinan ang anak. Aniya, hindi niya hate si Quentin at ang hind lang niya nagustuhan ay ang ginawa nito.

Habang kinakausap niya ang anak ay naiyak na rin si Candy nang mapagtantong malaki na talaga ang kanyang anak.

Read also

Ivana Alawi, natulala at napaluha sa Extreme Spicy Challenge ni Hash Alawi

Kabilang sa mga hiniling ni Candy sa anak ay bumalik ito sa mga activities niya at bawasan ang panonood sa YouTube.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.

Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo. Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina.

Read also

Mystica, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng kaisa-isang anak

Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya. Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel