Andi Eigenmann, binahagi ang sinabi ng anak na si Lilo: "Mom, I wanna be a champion like papa"

Andi Eigenmann, binahagi ang sinabi ng anak na si Lilo: "Mom, I wanna be a champion like papa"

- Ibinida ni Andi Eigenmann ang video ng kanyang anak na si Lilo habang nakasakay sa kanyang surf board at nag-su-surf

- Ani Andi, nag-eenjoy daw si Lilo sa kanyang surfing lessons kasama ang kanyang amang si Philmar Alipayo na isang professional surfer

- Lumapit daw sa kanya si Lilo at sinabi sa kanya na gusto niya rin maging champion kagaya ng kanyang papa

- Hindi naman maitago ni Philmar ang kasiyahan nang marinig ito mula kay Lilo mismo

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinida ni Andi Eigenmann ang surfing video ng anak niyang si Lilo na nagsu-surfing lessons sa kanyang papa na si Philmar Alipayo. Lumapit daw sa kanya si Lilo at sinabi sa kanya na gusto niya rin maging champion kagaya ng kanyang papa.

Andi Eigenmann, binahagi ang sinabi ng anak na si Lilo: "Mom, I wanna be a champion like papa"
Andi Eigenmann, binahagi ang sinabi ng anak na si Lilo: "Mom, I wanna be a champion like papa" (@andieigengirl)
Source: Instagram

Sa post ni Andi ay maririnig ang pagsabi ni Lilo na gusto niya mag-surf. Makikita din sa video na magkasama sila ng kanyang ama habang papunta sa dagat. Kayagng-kaya na nito sumakay sa surfboard sa murang edad niya. Hindi naman maitago ni Philmar ang kasiyahan nang marinig ito mula kay Lilo mismo.

Read also

Kristel Fulgar, kinuhang ambassador ng isang Korean brand

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Andi Eigenmann ay isang, product endorser at movie star. Siya ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga artista ng mga Eigenmann. Anak siya ng award-winning aktres na si Jaclyn Jose at Mark Gil.

Sa kanyang vlog ay pinakita ni Andi ang kanilang simpleng date sa pagdiriwang nila ni Philmar ng kanilang anniversary. Ito ay naganap sa kanilang pagpunta kamakailan sa Bali, Indonesia kasama ang kanilang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Koa. Sa isang bahagi ng video ay makikitang kumakain sila ng mais ni Philmar at nasabi ni Andi na ito umano ang kanilang "best anniversary date ever." Marami naman ang natuwa at lalong humanga sa pamilya ni Andi na masaya sa kahit simpleng mga bagay sa kanilang buhay.

Para kay Andi, hindi siya sumasang-ayon sa mga nagsasabing mas maswerte si Philmar na siya ang naging partner nito. Aniya, kung maswerte si Philmar ay maswerte din siya dito dahil may mga accomplishment din ito lalo na bilang isang professional surfer. Sa pag-uusap nila ng kanyang kaibigand sa Mads o mas nakilala noon sa showbiz bilang si Carla Humphries, naibahagi niya ang saloobin niya kaugnay sa relasyon nila ni Philmar. Ayon pa kay Andi, marami siyang magagandang masasabi pagdating sa katangian ni Philmar ngunit aniya ay natutunan niyang mahalin ang sarili niya nang si Philmar ang kasama niya.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate