Ogie Diaz sa dating alagang si Liza Soberano: "Hindi siya naging puppet"

Ogie Diaz sa dating alagang si Liza Soberano: "Hindi siya naging puppet"

- Nilinaw umano ni Ogie Diaz na laging may say si Liza Soberano sa mga naging proyekto niya noon

- Taliwas umano ito sa naging pahayag ni Liza sa 'This is Me' video niya na naging usap-usapan ngayon

- Ani Ogie, lagi umano niyang isinasaalang-alang ang saloobin ng kanyang dating alaga dahilan para umabot lang sa anim ang pelikulang nagawa nito sa loob ng 13 na taon

- Gayunpaman, isa rin sa nilinaw ni Ogie ay wala umano siyang galit sa dati niyang talent

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naglabas ng saloobin si Ogie Diaz patungkol sa ilang mga naging pahayag ni Liza Soberano sa 'This is Me' video nito na inilabas kamakailan.

Ogie Diaz, nilinaw na laging may say umano si Liza sa mga naging proyekto niya noon
Liza Soberano and Ogie Diaz (Liza Soberano)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na muling naibulalas ni Ogie ang kanyang damdamin sa naturang isyu nang makapanayam siya nina Julius Babao at Christine Bersola-Babao para sa kanilang YouTube channel.

Read also

Cristy Fermin, tinawag na "babaita" si Liza Soberano: "Balewala pala dito sa babaitang 'to"

Isa sa mga nilinaw niya ay tungkol sa kawalan daw ng boses ng aktres patungkol sa mga nagawa niyang proyekto noon.

"Ang gusto ko lang linawin. Eto naman firm ako, gusto ko lang linawin hindi siya naging puppet," ani Ogie.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Active naman siya sa pagdedesisyon. Kaya naman hindi ko alam saan nanggagaling si Liza bakit niya nasabi parang all these years, sa 13 years in the business wala siyang ginawa kundi sundin ang gusto ng mga tao sa paligid niya. 'yung what to wear, what to say," dagdag pa niya.

"Magkasanglaan na ng kredibilidad, meron siyang say all the time," giit ni Ogie na isang patunay umano ay ang anim na mga pelikulang nagawa ni Liza sa loob ng mahigit isang dekada. Ito ay dahil sa isinasangguni muna nila sa aktres kung papayag itong gawin o hindi ang pelikula o anumang proyekto.

Read also

Brilliant Skin CEO, nagtatrabaho na sa edad na 12; naging boss na sa edad na 15

Gayunpaman, inamin naman ni Ogie na minsa'y kinausap din niya ito para kumbinsihin na gawin ang ilang proyekto dala ng pakikisama.

Narito ang kabuuan ng naging panayam sa kanya mula sa Julius Babao Unplugged channel:

Naging kontrobersyal ang inilabas na video ni Liza Soberano sa kanyang YouTube channel kamakailan. Ito ay upang ibulalas niya ang sarili sa kung ano na nga ba ang nangyayari at nangyari sa kanya buhat nang mapasailalim siya sa management na kinabibilangan ng grupo ni James Reid.

Kaugnay nito, minsan na ring nabanggit ng dati niyang manager na si Ogie Diaz ang labis na panghihinayang sa naiwang career ni Liza sa Pilipinas. Nasabi rin niyang hindi umano nawalan ng nakahaing proyekto ang ABS-CBN sa tambalang 'Lizquen' subalit ang dalawa na mismo ang hindi nag-aapruba sa mga ito.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel