Chito sa madalas na pagpapakilig kay Neri: "Para di matanggal 'yung helmet niya"

Chito sa madalas na pagpapakilig kay Neri: "Para di matanggal 'yung helmet niya"

- Ipinaliwanag ni Chito Miranda ang rason sa mga post nito patungkol sa kanyang misis na si Neri Miranda

- Pakiramdam niya umano na hindi niya deserve ang kanyang asawa

- Ito ay hindi sa negatibong aspeto kundi ito umano ang rason para mas patunayan ang pagmamahal sa misis

- Aprub naman ito kay Neri na aminadong kinikilig araw-araw kay Chito

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa panayam sa kanila ni Bernadette Sembrano, naikwento ni Chito Miranda na pakiramdam niya'y hindi niya deserve ang 'wais na misis' niyang si Neri Naig Miranda.

Nalaman ng KAMI na ito ang rason ni Chito kung bakit madalas niyang pakiligin ang misis sa anumang paraang kaya niya.

"There's a constant feeling for me that I don't deserve her. Look at her, look at me. She's beyond my reach. Parang maganda din 'yung feeling na ano e, you don't deserve your wife so you have to make sure na na kumbaga para hindi matanggal 'yung helmet niya. Kasi na-appreciate niya e," ani Chito.

Read also

Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"

"Everyday kinikilig ako sa kanya," agad namang naikomento ni Neri sa nasabi ng mister.

Ayon pa sa 'wais na misis', hindi lamang sa social media sweet si Chito kundi mas lalo raw niya itong nararamdaman sa kung paano siya alagaan at pahalagahan nito.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Neri Naig Miranda o Nerizza Garcia Presnede Naig-Miranda sa tunay na buhay ay isang aktres na unang nakilala nang mapasali siya sa reality show ng ABS-CBN na Star Circle Quest. Tinanghal siyang 6th runner-up sa naturang talent search. Taong 2014 nang ikasal sila ng bokalista ng bandang Parokya ni Edgar na si Chito Miranda.

Sa ngayon, isa nang matagumpay na businesswoman si Neri na labis na hinahangaan ng marami dahil sa kanyang kakaibang sipag at diskarte sa pagnenegosyo.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel