Toni Fowler at ToRo fam, nagpaalam na sa ToRo de Palacio

Toni Fowler at ToRo fam, nagpaalam na sa ToRo de Palacio

- Ibinahagi ni Toni Fowler at kanyang mga kasamahan sa ToRo family ang kanilang huling vlog sa ToRo de Palacio

- Ani Toni ay kailangan niyang lumipat sa isang tirahan na mas malapit sa kanyang trabaho

- Masaya siyang napagpasyahan ng kanyang mga kasama na sumama pa rin kay Toni kahit lumipat ito sa mas maliit na tirahan

- Humingi siya ng dispensa sa kanyang mga kasamahan na hindi niya natupad ang pangakong niyang ToRo villa na ang susunod nilang titirahan pagkatapos ng ToRo de Palacio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpaalam na sina Toni Fowler at buong ToRo fam sa ToRo de Palacio. Lilipat umano sila sa mas maliit na tirahan at sama-sama pa rin sila sa kanilang lilipatan.

Toni Fowler at ToRo fam, nagpaalam na sa ToRo de Palacio
Toni Fowler at ToRo fam, nagpaalam na sa ToRo de Palacio (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa huling video na kanilang ginawa sa ToRo de Palacio, isa-isang nagbahagi ang ToRo fam ng kanilang hindi makakalimutan sa bahay na iyon.

Read also

Neri Miranda sa araw na muntik na niyang hiwalayan si Chito: "Nakikinig ako ng Halaga"

Naibahagi din ni Toni na kailangan niyang lumipat sa tirahan na mas malapit sa kanyang trabaho at masaya siyang sama-sama pa rin silang lahat. Aniya, mas maliit ang lilipatan nilang bahay ngunit mas mahal daw ang kanilang babayaran.

Humingi siya ng dispensa sa kanyang mga kasamahan na hindi niya natupad ang pangakong niyang ToRo villa na ang susunod nilang titirahan pagkatapos ng ToRo de Palacio. Gayunpaman, aniya alam niyang matutupad niya iyon kahit hindi man ngayon.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

“Para sa ToRo family, gusto kong humingi ng pasensiya sa inyo kung ililipat ko naman kayo sa mas maliit na lugar kung saan mag-aadjust kayo.”

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Read also

Ogie D sa umano'y bad image ng Quiapo sa teleserye ni Coco: "Ganun talaga"

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate