Jessy Mendiola, binahagi ang kauna-unahan nilang family shoot

Jessy Mendiola, binahagi ang kauna-unahan nilang family shoot

- Ibinahagi ni Jessy Mendiola sa kanyang YouTube channel ang kanilang kauna-unahang family photo shoot

- Makikita ang mag-asawa kasama ang kanilang anak na si Isabella Rose Tawile Manzano na two months old na

- Sa gitna ng kinasasangkutang isyu ng kanyang mister na si Luis Manzano ay walang nilalabas na pahayag si Jessy

- Umani naman ng komento at papuri ang binahagi niyang video na kuha sa kanilang photo shoot

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post si Jessy Mendiola ng video na kuha sa kanilang kauna-unahang family photo shoot. Kasama ng mag-asawang Luis Manzano at Jessy ang anak nilang si Rose Tawile Manzano na two months old na.

Jessy Mendiola, binahagi ang kauna-unahan nilang family shoot
Jessy Mendiola, binahagi ang kauna-unahan nilang family shoot (@senorita_jessy)
Source: Instagram

Makikita sa binahaging video ni Jessy ang magagandang pictures nilang pamilya. Larawan naman ng masayang asawa at ama si Luis habang karga ang kanilang anak.

Read also

Maggie Wilson, ni-repost sa IG story niya ang picture nina Victor Consunji at Rachel Carrasco

Umani naman ng komento at papuri ang binahagi niyang video na kuha sa kanilang photo shoot. Narito ang ilan sa mga komento:

Super duper cute peanut happy Family sa inyoI always watching your vlogs

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

So cute and beautiful. Thanks for sharing the pictures of your adorable baby.
Super duper cute peanut happy Family sa inyoI always watching your vlogs

Si Jessy Mendiola ay nakilala sa kanyang mahusay na pagganap bilang si Maria Mercedes sa Philippine remake ng sikat na Mexican telenovela. Taong 2016 nang manguna siya sa listahan ng men's magazine na FHM Philippines.

Hindi maipagkaila ni Vilma Santos na sobra siyang excited sa kanyang unang apo na tinatawag nilang si "Peanut. Sa kanyang bagong vlog ay pinakita niya ang regalong kanyang binili para sa apo kahit hindi pa ginaganap ang baby shower. Bukod sa baby bottles, nagbigay din ang Star for All Seasons ng sterilizer na ayon kay Jessy ay sobrang kailangan nila. Nagbigay din siya ng payo para sa mag-asawa hindi lang bilang magulang kundi bilang magkatuwang sa pagpapalaki sa anak nila.

Read also

‘You Do Note’ girl Majo Lingat, binahagi ang picture nila ni Vice Ganda

Kamakailan ay binahagi ni Jessy sa kanyang YouTube channel ang kanilang pagpapa-check up kasama ang asawa niyang si Luis. Bahagi ng kanyang video ay makikita ang 4D ultrasound kung saan makikita ang facial feature ng anak nila ni Luis. Maging ang sumusuri kay Jessy ay napansing matangos ang ilong ni Baby Peanut. Tuwang-tuwa naman si Luis at nagpasalamat pa dahil aniya, si Jessy ang kamukha ng kanilang anak.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate