Ellen Adarna, napagtantong ang pag-inom nya ugat ng poor choices nya sa buhay
- Binahagi ni Ellen Adarna ang isang video sa kanyang Q&A session ang kanyang sagot sa tanong kung naranasan niyang malasing nang sobra
- Ani Ellen, dumating sa punto na naging violent at hostile daw siya sa sobrang kalasingan
- Napagtanto daw niya na ang pag-inom niya ang ugat ng poor choices niya sa buhay
- Bago magkaanak si Ellen ay hindi lingid sa publiko ang kanyang hilig sa party at pag-inom
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Aminado si Ellen Adarna na naranasan niyang malasing nang sobra at naging bayolente daw siya. Napagtanto niya na ang kanyang pag-inom dati ay naging ugat ng poor choices niya sa buhay.
Sa kanyang Instagram stories ay naitanong ng isang netizen kung naranasan daw ba niyang malasing at magmaoy sa kanyang bff at hindi na maalala kinabukasan.
Ellen Adarna, tinawanan si Derek Ramsay na nakikiusap na payagan siyang bumili ng gems sa game na nilalaro
Ani Ellen, dumating sa punto na naging violent at hostile daw siya sa sobrang kalasingan.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Source: KAMI.com.gh