Ellen Adarna sa mga taong nananatili sa relasyong may 3rd party: "Work on yourself"
- Sinagot ni Ellen Adarna ang tanong ng isang netizen sa kanya kung ano ang dapat gawin sa mga third party sa isang relasyon
- Naniniwala daw si Ellen na ang mga taong nananatili sa ganitong uri ng relasyon ay ang mga taong may mababang self esteem at poor self image
- Kagaya umano sa kanyang naunang nasabi, deserve ng tao ang mga bagay na hinahayaan niyang gawin sa kanya
- Payo niya, marahil ay kailangan pagsikapan ng mga taong nananatili sa ganoong relasyon na magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Ani Ellen Adarna, ang mga taong nanatili sa relasyon na mayroong third party ay ang mga taong may mababang self esteem at poor self image. Naitanong sa kanya ng isang netizen kung ano ang dapat gawin sa mga third party.
Kagaya umano sa kanyang naunang nasabi, deserve ng tao ang mga bagay na hinahayaan niyang gawin sa kanya.
Maybe you should ask yourself what you should do if you are in a relationship ang there is a third party.
Payo niya, marahil ay kailangan pagsikapan ng mga taong nananatili sa ganoong relasyon na magkaroon ng pagpapahalaga sa sarili.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Maybe you shopuld work on yourtself.
Si Ellen Adarna o Ellen Meriam Go Adarna-Ramsay sa totoong buhay ay ang panganay na anak na babae ng isang prominenteng pamilya sa Cebu. Sila ay nagmamay-ari ng maraming condominiums, hotels, resorts, at mga motel sa timog at pati na rin sa Manila at Davao. Isa din siyang kilalang modelo na nagsimula bilang isang sikat na social media celebrity na kinalaunan ay naging isa sa mga 'Star Magic' artist mula noong taong 2013. Naging cover girl din siya sa iba't-ibang magazines.
Sa kanyang IG stories kamakailan ay sinagot ni Ellen ang tanong ng netizens sa kanya. Isa sa mga naitanong sa kanya ay patungkol sa mga haters at bashers. Naitanong sa kanya kung paano siya sa kanyang mga bashers. Direktang sinagot ni Ellen ang tanong na ito. "Kebs" daw siya sa mga ito dahil hindi naman sila ang nagpapakain sa kanya.
Samantala, kamakailan ay binahagi ni Ellen sa social media post niya ang video ng anak niyang si Elias na mas pinipiling tumabi kay Derek. Base sa video mukhang kuha ito sa loob ng eroplano kung saan makikita si Derek na nakaupo sa isang malaking airplane seat. Makikita si Elias na nakasiksik sa tabi ni Derek habang may pinapanood. Maririnig sa video ang pagpapabalik sa kanya sa upuan niya ngunit aniya ay mas gusto niyang matulog katabi ang kanyang "Papa D."
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh