Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler

Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler

- Inalmahan ni Catriona Gray ang isang Faceboook page na nag-post tungkol sa kanya

- Marami ang nawindang sa nilagay na pangalan sa naturang post dahil nakalagay ang apelyidong Milby sa pangalan niya

- Nilinaw ni Catriona na Gray ang kanyang apelyido at hindi pa siya ikinakasal kay Sam

- Pinabulaanan niya rin ang balitang kasali umano siya sa pelikulang tungkol sa buhay ni Jose Rizal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Umalma si Catriona Gray sa isang Post ng isang Facebook page na nagsasabing magiging bahagi umano siya ng pelikulang may pamagat na 'Papaano kung 'di namatay si Jose Rizal?' Tinawag niyang fake news peddler ang naturang page na naglagay pa ng "Milby" sa pangalan ng beauty queen.

Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler
Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler (@catriona_gray)
Source: Instagram

Paglilinaw ni Catriona, hindi pa siya ikinakasal at Gray pa rin ang kanyang apelyido. Maging ang mga netizens ay nagulat sa post na ito dahil kamakailan lang inilabas nina Catriona at Sam ang balita tungkol sa kanilang engagement.

Read also

Kylie Padilla: “If I wasn’t an actress I’d be a sniper”

Grabe naman this page, lagging fake news peddler. Wala akong part ng movie na to. Name ko po, Catriona Gray - hindi pa ako married. Kaloka
Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler
Catriona Gray, umalma sa isang Facebook page na umano'y fake news peddler (Screenshot from @facebook.com/Pinoyhistorygroup)
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Catriona Gray ay isang Filipino-Australian actress at model na ipinanganak noong January 6, 1994. Nakasali na siya sa Miss World 2016 bago pa man nasungkit ang korona sa Miss Universe noong 2018.

Kamakailan ay binahagi ni Catriona ang mga nakakaaliw at nakakatawang komento ng netizens sa kanyang picture na nagviral kung saan kumakain siya ng empanada. Ilan sa mga ito ay base sa mga naging sagot ni Catriona sa kanyang pagsali sa pageant. Kinaaliwan ito ng beauty queen kaya naman naibahagi niya ang mga ito sa kanyang IG Stories. Matatandaang kuha ang naturang picture nang bumisita si Catriona sa Batac kung saan tinikman niya ang sikat na empanada ng Ilocos.

Read also

Ms. Grace, kinaaliwan sa kanyang TikTok video tungkol sa pag-move on

Muling nakasama ni Catriona ang R&B star na si Ne-Yo sa ginanap na concert nito sa Araneta Coliseum. Hindi pa agad siya nakilala ni Ne-Yo at tinanong pa nito ang beauty queen ng pangalan niya ngunit kinalaunan ay natatandaan umano niya ito. Nagyakapan pa sila ni Ne-Yo at kinalaunan ay rumampa pa ito gamit ang kanyang sikat na sikat na Lava walk. Matatandaang si Ne-Yo ang nagperform sa final three ng Miss Universe 2018 kung saan nanalo si Catriona.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate