Brenda Mage, binigyan ng iPhone 13 Pro Max si Gio sa kaarawan nito

Brenda Mage, binigyan ng iPhone 13 Pro Max si Gio sa kaarawan nito

- Binigyan ni Brenda Mage ang boyfriend niyang si Gio Sta. Ana ng bagong cellphone

- Gayunpaman, ayon kay Brenda ay hindi iyon sorpresa kay Gio dahil aniya ay natanong niya ito kung ano ang gusto niyang regalo

- Bukod dito ay may binigay siyang teddy bear na mayroong P21,000 na nakalagay sa loob

- Nagbiro pa si Brenda na maghanda na si Gio dahil si Brenda ay magdidiwang ng kanyang ika-34 na kaarawan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Brenda Mage ang video ng kanyang pagbibigay ng regalo sa kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Binigyan niya ito ng bagong cellphone ngunit hindi umano ito sorpresa kay Gio dahil tinanong daw talaga niya ito kung ano ang gusto niyang regalo.

Brenda Mage, binigyan ng iPhone 13 Pro Max si Gio sa kaarawan nito
Brenda Mage, binigyan ng iPhone 13 Pro Max si Gio sa kaarawan nito (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Bukod dito ay binigyan niya si Gio ng isang stuffed toy. Sa loob nito ay may nakalagay na pera. Sa pagdiriwang ng ika-21 na kaarawan ni Gio ay P21,000 ang binigay na regalo ni Brenda sa kanya, Biro pa ni Brenda ay maghanda na raw si Gio dahil magdidiwang na rin siya ng kanyang ika-34 na kaarawan.

Read also

Ogie Diaz, sinagot ang umano'y nabanggit ni Willie na iniiwan siya ng kanyang talents

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahagian lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Hot:
Online view pixel