Ogie Diaz, kinumpirmang luma na ang kumakalat na workout video ni Yen Santos

Ogie Diaz, kinumpirmang luma na ang kumakalat na workout video ni Yen Santos

- Kinumpirma ni Ogie Diaz na luma na ang nag-viral na video ni Yen Santos kamakailan

- Nakausap niya mismo si Paolo Contis na hindi rin umano malaman bakit may 2023 pa sa caption ng video ng dating fitness coach ni Yen

- Nasabi rin nitong dedma na lamang si Yen sa pagkalat ng video na ayaw na gawing isyu pa ito

- Isa si Ogie Diaz sa mga una nang nakaalam ng relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nilinaw ni Ogie Diaz na luma na pala umano ang kumakalat ngayong workout video ni Yen Santos.

Ogie Diaz, kinumpirmang luma na ang kumakalat na workout video ni Yen Santos
Yen Santos (@coach_flex)
Source: TikTok

Nalaman ng KAMI na nakausap ni Ogie Diaz si Paolo Contis tungkol sa video at maging sila ay nagtaka bakit kailangan ilagay ang '2023' sa caption ng video ni Coach Flex.

Read also

Ogie D, ibinahagi ang dating guesting ni Harry Roque sa Wowowin: "Eto papanood namin sa inyo"

"3-4 years ago na ang video ng workout na 'yun ni Yen Santos kay Coach Flex," ani Ogie.

Ayon pa kay Paolo, dedma na lang daw si Yen sa pagpapalabas ng kanyang video gayung ayaw niyang gawing isyu pa ito.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Ayaw din daw umano ni Yen na mapag-usapan pa raw ang naturang fitness coach.

"Well sa opinyon ko, wala namang problema sa pagpo-post, humingi sana ng consent ang naturang coach kay Yen bago ito i-post," ani Ogie.

Narito ang kabuuan ng kanyang pahayag mula sa YouTube channel niyang Ogie Diaz Showbiz Update:

Sa ngayon, pinakakaabangan ng marami ang mga video sa YouTube channel na "Ogie Diaz Inspires" at "Ogie Diaz Showbiz Updates" dahil sa mga maiinit na showbiz balita at interview sa mga artista at kilalang personalidad sa bansa.

Read also

Luis Manzano, dinipensahan ni Cristy: "Siya man po ay mayroon ding kwestyon"

Sa naung episode ng nasabing channel ni Ogie, nabanggit nitong matagal na niyang alam ang relasyon nina Paolo Contis at Yen Santos.

Nabanggit kasi ni Ogie na kailanman'y hindi nagsinungaling sa kanya si Paolo. Matatandaang, nagkasama sa pelikulang 'A Faraway Land' noong 2021 ang dalawa. Kaya naman espekulasyon ng marami na ito rin umano ang hudyat ng hiwalayan noon ni Paolo at dating partner na si LJ Reyes.

Noong Nobyembre 2022, nagawa nang batiin ni Paolo si Yen sa kaarawan nito na tinawag pa niyang "My Best Actress." Matatandaang wagi bilang Best Actress sa Gawad Urian si Yen sa pagganap nito sa pelikula nila ni Paolo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel