Ogie Alcasid, proud kay Regine Velasquez matapos ang matagumpay niyang concert

Ogie Alcasid, proud kay Regine Velasquez matapos ang matagumpay niyang concert

- Ayon kay Ogie Alcasid, habang siya ay nasa Lucerne sa Switzerland ay nababasa niya ang magagandang komento sa concert ni Regine Velasquez

- Aniya, hindi niya mapigilang maging emosyonal at aminado siyang proud siya sa kanyang maybahay

- Dagdag pa niya, tunay ngang inspirasyon si Regine sa marami at lalong-lalo na sa kanya

- Kasalukuyang nasa Switzerland si Ogie para sa concert nila ni Ian Veneracion

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Aminado si Ogie Alcasid na emosyonal siya sa nababasang magagandang komento sa concert ng kanyang asawang si Regine Velasquez. Aniya, proud siya sa kanyang misis na insipirasyon para sa marami at lalong lalo na sa kanya.

Ogie Alcasid, proud kay Regine Velasquez matapos ang matagumpay niyang concert
Ogie Alcasid, proud kay Regine Velasquez matapos ang matagumpay niyang concert (@reginevalcasid)
Source: Instagram
As i wake up this morning here in Lucerne, i get to read so many wonderful comments about my wife’s concert. I am beaming with pride and getting emo. She truly is an inspiration to all. Most of all, lil ol me. Keep shining for Jesus love.

Read also

Pokwang, binahagi ang video ni Malia na nag-so-sorry sa kanyang ate

Kasalukuyang nasa Switzerland si Ogie para sa concert nila ni Ian Veneracion. Sa isang Instagram post ay sinabi niyang malungkot siya na hindi siya makakapanood ng concert ni Regine.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nalulungkot lang ako at paalis na ako bukas papuntang switzerland para sa shows namin ni ian doon. May concert din aking pinakamamahal na hindi ko mapapanuod. Haaay. I will miss you so much my love.

Si Regine Velasquez o Regina Encarnacion Ansong Velasquez-Alcasid sa totoong buhay ay kilalang mang-aawit at binansagang "Asia's Songbird." Ang kanyang kahanga-hangang husay sa pagbirit ang isa sa pinakahinahangaan sa kanya. Bukod sa pagkanta, umarte na rin siya sa ilang pelikula at isa din siyang producer.

Kinaaliwan ang biro ni Regine na kunwari ay nakikiusyuso kay Francine Diaz. Ito ay noong kasagsagan ng isyu tungkol sa kanila ni Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Naging bahagi na din si Regine ng talk show na Magandang Buhay. Kinaaliwan ang kanyang post kung saan nawindang siya nang mapansing naka-tsinelas lamang siya nang pumunta siya sa taping.

Read also

Zeinab Harake, ibinida ang kanyang panganay na si Lucas: "May binata na talaga ako"

Matapos mag-viral ang pagbabalik-tanaw ni Regine kaugnay sa nangyari bago sila nagkatuluyan ni Ogie Alcasid, naibahagi ni Cristy Fermin ang umano'y kanyang nasaksihan. Hindi lang umano isang beses nasangkot si Regine sa isyu ng pagiging 3rd party sa isang relasyon. Muling binalikan ni Nanay Cristy ang pagkasangkot niya sa relasyong Gelli de Bellen at Ariel Rivera. Nasangkot din umano si Regine sa relasyong Bing Loyzaga at Janno Gibbs kahit kasal na ang mag-asawa noong mga panahong iyon.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel