Kristel Fulgar at Big Boss, pinakilig ang mga fans sa kanilang mala-Kdrama na date

Kristel Fulgar at Big Boss, pinakilig ang mga fans sa kanilang mala-Kdrama na date

- Binahagi ni Kristel Fulgar sa kanyang YouTube ang video clip ng kanilang pamamasyal ni Yohan Kim na kilala sa kanyang bansag bilang Big Boss

- Marami ang kinilig para sa kanila dahil ayon sa mga fans ay kahit hindi na umamin ang dalawa tungkol sa kung sila na nga

- Ito ay sa kadahilanang ang lugar na kanilang pinuntahan ay kadalasang puntahan ng magkasintahan lalo na sa mga pinapalabas sa KDrama

- Makikita din sa video ang paglagay nila ng lock sa Love Lock Bridge na makikita sa Namsan Tower

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kinakiligan sina Kristel Fulgar at Yohan Kim na kilala sa kanyang bansag bilang Big Boss matapos ibahagi ni Kristel ang kanilang pagpunta sa Namsan Tower. Makikita din sa video ang paglagay nila ng lock sa Love Lock Bridge.

Read also

Dahlia Heussaff, kinaaliwan sa kanyang “I’m so tall naman” video

Kristel Fulgar at Big Boss, pinakilig ang mga fans sa kanilang mala-Kdrama na date
Kristel Fulgar at Big Boss, pinakilig ang mga fans sa kanilang mala-Kdrama na date (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Para sa mga fans nila kahit hindi na umamin ang dalawa ay halata na sila na. Ito ay sa kadahilanang ang lugar na kanilang pinuntahan ay kadalasang puntahan ng magkasintahan lalo na sa mga pinapalabas sa KDrama.

Bukod sa kanilang pamamasyal ay tuloy pa rin ang pag-ensayo ni Kristel para mapaghandaan ang kanyang test sa Korean language.

Narito ang komento ng kanilang mga fans:

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Love lock na nagpapatunay.No need for reveal
Awwww another beautiful and happiest moments of both make me so kilig so much love you both take and be happy.
Kinikilig na naman ako sa pagmamahalan ng iba

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Read also

Freddie Aguilar, ibinahagi ang kanyang pagkanta ng awitin niyang "Anak"

Sa isang vlog ni Kristel, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea. Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya. Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama.

Pumirma si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae. Sa kanyang vlog, binahagi ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata. Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya. Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel