Bea Alonzo, pinagtanggol ni Beatriz Saw: "I assure you wala siyang something sa character"
- Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen tungkol sa opinyon niya matapos ang kumpirmasyon sa hiwalayang Bea Alonzo at Dominic Roque
- Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain
- Dagdag pa nito, kahit gaano kayaman ang tao kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki
- Sagot naman ni Beatriz ay wala namang something sa character ng kaibigan niyang si Bea
PAY ATTENTION: stay informed and follow us on Google News!
Sinagot ni Beatriz Saw ang komento ng isang netizen kaugnay sa dahilan ng paghihiwalay nina Bea Alonzo at Dominic Roque. Ayon sa netizen na ito, masyadong mataas ang tingin ng tao kay Bea dahil meron siyang lupain.
Dagdag pa niya, kahit gaano pa kayaman kung may 'something' daw sa character ay hindi talaga papakasalan ng lalaki.
Sagot naman ni Beatriz na isa sa mga malapit kay Bea, sinisigurado niyang walang 'something' sa character ni Bea.
Kasunod ng paglabas ng kumpirmasyon ni Boy Abunda ay umani ng mga reaksiyon at komento ang balita.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Bea Alonzo ay nakilala sa husay niya sa pag-arte. Isa siya sa pinakahinangaang katambal ni John Lloyd Cruz. Ilan sa kanilang blockbuster na pelikula ay One More Chance, Miss You Like Crazy, at A Second Chance.
Para kay Bea, dapat ay magpaalam ang isang tao sa kanyang karelasyon kung iiwan man niya ito. Ito ang kanyang mensahe nang tanungin ni Francine Diaz sa kanyang YouTube vlog episode kung saan nakapanayam niya ang aktres. Naitanong kay Bea kung ano ang masasabi niya sa mga taong nang-go-ghost na agad namang sinagot ni Bea na mali iyon. Hirit naman ni Francine, para siyang nanonood ng pelikula sa mga binitawang salita ni Bea na aniya ay parang linyahan sa pelikula.
Umamin siyang naranasan niya ang tinatawag na pag-"drunk dial" sa kanyang ex ngunit isang beses lang umano ito nangyari. Agad din niyang sinabi na gusto niyang linawin na hindi ito ang kanyang pinakahuling ex. Aniya, naka-block na kaagad ang ex na ito kaya hindi mangyayari na matawagan niya ito nang lasing siya. Si Gerald Anderson ang pinakahuling ex-boyfriend ni Bea Alonzo na hindi lingid sa kaalaman ng publiko dahil sa kontrobersiyal na hiwalayan nila.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh