Maggie Wilson, ibinunyag ang pagbayad daw sa press ng 'di pinangalanang tao

Maggie Wilson, ibinunyag ang pagbayad daw sa press ng 'di pinangalanang tao

- Ani Maggie Wilson, marami umanong alok sa kanya na makapanayam siya noong nakaraang taon para maihayag niya ang kanyang panig

- Gayunpaman, aniya ay hindi siya pumayag at hindi niya pinansin ang mga request sa kanya

- Nagulat umano siya nang makitang umabot sa 1M dollars o nasa 50 milyong piso ang ginastos ng hindi na niya pinangalanang tao para umano bayaran ang press

- Ito umano ay para sa mga press release, meron din daw na para harangin ang mga balita at maglabas ng negatibong balita

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa post ni Maggie Wilson, sinabi niyang marami siyang natanggap na offer noong nakaraang taon para lang makapanayam siya ngunit aniya ay tinaggihan niya ang mga ito. Nagulat umano siya nang makitang umabot sa 1M dollars o nasa 50 milyong piso ang ginastos ng hindi na niya pinangalanang tao para umano bayaran ang press.

Maggie Wilson, ibinunyag ang pagbayad daw sa press ng 'di pinangalanang tao
Maggie Wilson, ibinunyag ang pagbayad daw sa press ng 'di pinangalanang tao (@wilsonmaggie)
Source: Instagram

Ani Maggie, ginamit umano ang halagang ito para sa mga press release, meron din daw na para harangin ang mga balita at maglabas ng negatibong balita.

Aniya, ang mga media na tumanggap ng bayad ay parte ng problema. Kaya naman, babala ni Maggie sa publiko ay huwag agad maniniwala sa mga nababasa hangga't hindi ito nagmula sa source mismo.

Never believe anything you read unless it comes directly from the source.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Maggie Wilson ay nakilala bilang isang TV Actress at beauty queen, model at entrepreneur. Hinirang siya bilang Binibining Pilipinas-World at naging kinatawan ng bansa sa 57th Miss World Pageant. Gumanap din siya bilang Litgarda sa seryeng Darna. Ikinasal siya sa sa real estate titan na si Victor B. Consunji at nabiyayaan sila ng isang anak na pinangalanan nilang si Conor.

Sa kanyang Instagram stories, inilabas na Maggie ang screenshot ng conversation niya sa photo studio na kumuha ng mga pictures sa birthday celebration ng kanyang anak na si Conor. Makikita sa kanilang pag-uusap na nakatakda na sanang i-send ng studio ang mga kopya ng mga pictures kay Maggie. Gayunpaman, inihingi ng dispensa ng studio na hindi na nila mapapadala ang pictures dahil pinagbawalan umano sila. Minabuti namang itago ni Maggie ang pangalan ng taong nagpapabawal na i-post o i-send ang mga birthday photos ni Connor.

Samantala, naglabas ng saloobin si Beth Wilson, ang kapatid ni Maggie kaugnay sa kanyang pinagdaanan. Unti-unti na umano siyang 'drained' physically, mentally at emotionally dahil sa lahat ng nangyari. Hiling niya umano sa Panginoon na sana ay matigil na ang aniya'y nonesense na nagyayari. Si Beth ang isa sa mga taong nasa bahay na sinabi ni Maggie na pinuntahan ng staff ng kanyang dating asawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel