Donnalyn Bartolome, sinorpresa ang kanyang staff ng mga bonggang regalo

Donnalyn Bartolome, sinorpresa ang kanyang staff ng mga bonggang regalo

- Ayon kay Donnalyn Bartolome, isang taon niyang pinag-ipunan ang kanyang mga regalo para sa mga staff niya

- Sa video na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel, pinakita niya ang mga bonggang regalo na kanyang binigay

- Marami naman sa kanyang mga staff ang naging emosyonal nang matanggap nila ang binigay na regalo ni Donna

- Ayon pa kay Donna, pakiramdam niya ay hindi pa sapat ang mga naibigay niya sa mga taong hindi siya iniwan at tumulong sa kanya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Donnalyn Bartolome ang video na kuha nitong nakaraang pasko nang ibigay niya ang mga regalo niya para sa kanyang staff. Aniya, pakiramdam niya ay hindi pa sapat ang mga naibigay niya sa mga taong hindi siya iniwan at tumulong sa kanya.

Donnalyn Bartolome, sinorpresa ang kanyang staff ng mga bonggang regalo
Donnalyn Bartolome, sinorpresa ang kanyang staff ng mga bonggang regalo (@donna)
Source: Instagram

Bukod sa hindi basta-basta ang mga binigay niyang regalo, ayon sa iba sa kanila ay kailangan talaga nila ang binigay sa kanila ni Donna. Marami naman sa kanyang mga staff ang naging emosyonal nang matanggap nila ang binigay niyang regalo.

Read also

Francine Diaz, kinaaliwan sa pakipagtawaran niya sa Bangkok, Thailand

Maging ang mga netizens ay nawindang sa mga pasabog na regalo ni Donnalyn:

Grabe di ako empleyado at di din ako ang niregaluhan pero sobrang naiyak ako. Napakabless po ng mga taong nakapaligid sa inyo Miss Donna.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Grabe. Grabeeee!! Ako yung naiyak sa sobrang heart warming ng Christmas Gifts mo sa lahat.... May you stay Blessed! You deserve it Donna!!!
Grabeeeeee, this is not just normal gifts ate Donna. The gifts that you give to them can change their lives.

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Read also

Jessy Mendiola, binahagi ang nakakaaliw na reaksiyon ni Vilma Santos nang unang makita ang apo

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel