Sharon Cuneta, binahagi ang video ng kanilang Despedida dinner para kay Frankie Pangilinan

Sharon Cuneta, binahagi ang video ng kanilang Despedida dinner para kay Frankie Pangilinan

- Binahagi ni Megastar Sharon Cuneta ang isang video na kuha sa kanilang Despedida dinner para sa anak na si Frankie Pangilinan

- Nakatakda kasing umalis si Frankie pabalik sa New York dahil doon ito nag-aaral

- Hindi naman pinagkaila ni Mega na nalulungkot siya na muli na namang aalis ang anak

- Bukod sa kaniyang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel, naroroon din si dating Sen. Kiko Pangilinan at ang kanilang dalawang kasambahay

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinakita ni Megastar Sharon Cuneta ang kanilang Despedida dinner para sa anak niyang si Frankie Pangilinan. Nakatakda na naman kasi itong bumalik sa New York dahil doon siya nag-aaral.

Sharon Cuneta, binahagi ang video ng kanilang Despedida dinner para kay Frankie Pangilinan
Sharon Cuneta, binahagi ang video ng kanilang Despedida dinner para kay Frankie Pangilinan (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Aminado naman si Mega na malungkot siyang aalis na naman ang anak. Gayunpaman, sinabihan siya ni Frankie na huwag nang malungkot.

“i love you, Mommy. Don’t be sad.”

Read also

Trina Candaza sa paghiram ni Carlo sa anak nilang si Mithi; "It's just that, hindi siya pumupunta"

Bukod sa kaniyang mga anak na sina Frankie, Miel at Miguel, naroroon din si dating Sen. Kiko Pangilinan at ang kanilang dalawang kasambahay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Dinner for my Kakie. Haaaay…Despedida na naman at aalis na uli siya to study

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.

Read also

Vice Ganda, masayang nabanggit ang pagbabalik umano ng isang Kapamilya sa It's Showtime

Matatandaang binahagi ni Sharon sa kanyang vlog ang pamamasyal nilang mag-anak sa Seoul, South Korea. Sa isang bahagi ng kanyang vlog ay tumungo sila sa store ng Hermes para sana umano bumili ng belt. Gayunpaman, hindi siya pinapasok ng doorman sa naturang store kaya sa Louis Vuitton na lamang siya namili kung saan maayos ang naging pagtanggap sa kanila. Matapos mamili ay nadaanan pa nila ang Hermes na store at kinawayan ni Sharon ang doorman na hindi nagpapasok sa kanya at sinabihang "See? I bought everything."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel