Alex Gonzaga, hindi napigilang maging emosyonal sa kanyang podcast

Alex Gonzaga, hindi napigilang maging emosyonal sa kanyang podcast

- Emosyonal si Alex Gonzaga sa kanyang pinakabagong video mula sa kanyang podcast na pinamagatang "Ano Na Catherine by Alex Gonzaga"

- Dito ay nabanggit niya kung gaano niya sinusubukang maging matapang dahil aniya ay madali siyang masaktan o maapektuhan kapag may ginawa o sinabi sa kanyang hindi maganda

- Aniya, ayaw niyang sabihin ng ibang tao na mahina siya at pwedeng apihin kapag makita siya na madali siyang maapektuhan

- Dagdag pa niya, lumalabas na mukhang mayabang siya pero aniya dapat ay minsan kailangang manindigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Hindi napigilan ni Alex Gonzaga na maging emosyonal sa video niya na kuha sa kanyang podcast. Sa kanyang video na pinamagatang "Pagiging Mayabang ba kapag Ikaw ay naging Matapang," inilabas ni Alex ang kanyang saloobin.

Alex Gonzaga, hindi napigilang maging emosyonal sa kanyang podcast
Alex Gonzaga, hindi napigilang maging emosyonal sa kanyang podcast (@cathygonzaga)
Source: Instagram

Inamin niyang madali siyang masaktan at maapektuhan kapag may ginawa sa kanyang hindi mabuti. Aniya, pinapakita niya na siya ay matapang ngunit ang nagiging dating sa ibang tao umano ay siya ay mayabang.

Read also

Donnalyn Bartolome, umalma sa komento sa sportscar vlog nya: "Taken out of context"

Mahirap siyang aminin sa sarili mo na, Im a weak person. Yung mukha kang matapang sa harap ng maraming tao pero ang bilis mong masaktan. Pag may sinabi sa'yo or may ginawa sa'yo yung isang tao, parang apektado ka pero ayaw mong maging ganong klaseng tao.

Gayunpaman aniya, mabilis lang mawala ang kanyang galit. Naibahagi niya rin ang kanyang pinagdaanan dahil sa kanyang pakiramdam ay hindi siya kasing-espesyal ng kanyang ate para sa kanilang pamilya.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Alam naman niyang hindi naman iyon totoo. Dahil dito ay hinanap niya sa pagkakaroon ng love life ang kakulangan na kanyang nararamdaman.

Ang TV host-actress na si Alex Gonzaga ay unang sumikat sa mundo ng showbiz bilang nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga. Isa siya sa maituturing na pinakamatagumpay na YouTuber sa bansa na mayroon nang mahigit 13.2 million na subscribers sa kasalukuyan.

Read also

Rabiya Mateo, nakapundar ng 200-square meter na property para sa ina

Nagbiro si Alex tungkol sa isyung nag-resign siya sa episode ngayong araw ng Tropang Lol. Sa opening song pa lamang ng programa kung saan kumanta siya ay pabiro niyang isiningit ang "walang nag-resign." Ito ay sa gitna ng usap-usapang nag-resign umano siya lalo at wala siya noong unang araw ng back-to-back airing ng 'Tropang Lol' at 'It's Showtime.' Maging sa programa ni Cristy Fermin ay nabanggit na nag-resign si Alex sa programa kahit may isang buwang commitment pa umano itong natitira sa naturang programa.

Nabanggit ni Alex sa kanyang podcast ang tungkol sa umano'y paninigaw sa kanya ng isang artista na nakatatanda sa kanya. Aniya, may mga pagkakataon na pinagmumukha siyang masama ng ibang tao dahil sa kanyang personality. Noong nasa 20s umano siya ay na-traumatize siya dahil sa ginawa sa kanya ng artistang ito at nagkwento pa umano at pinagmukha siyang masama. Ang akala umano nito ay galing siya sa bahay at late lang siya at hindi umano niya alam na galing siya sa trabaho.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate