Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro: "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"

Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro: "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"

- May payo si Xian Gaza sa kalalabas lamang ng Taguig City Jail na si Vhong Navarro

- Aniya, naniniwala siyang nagawa ito ni Vhong kaya mas mainam na umalis na raw ito ng bansa

- Pansamantalang nakalaya si Vhong matapos na payagan itong magpiyansa ng nagkakahalaga ng Php1 million

- Matapos na makalaya, napabalitang magpapahinga lamang ito at malaki ang posibilidad na bumalik ito sa 'It's Showtime'

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nag-post ang online personality na si Xian Gaza ng umano'y payo niya kay Vhong Navarro.

Xian Gaza, pinayuhan si Vhong Navarro; "Gayahin mo ako... Madidiin ka lang diyan"
Xian Gaza (Christian Albert Gaza)
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na nagawa pang i-tag ni Xian si Vhong sa kanyang post kung saan sinabihan niya ito na mangibang bansa na lamang.

Ani Xian, ito ang mainam na gawin lalo na at naniniwala umano siyang nagawa nga ni Vhong ang mga akusasyon sa kanya.

Read also

Cedric Lee sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: "Hindi pa tapos ang laban"

"Vhong Navarro naniniwala ako na ginawa mo talaga yun. Well, wala namang taong perpekto. Who am I to judge you? I'm a sinner too. Payo ko lang sayo, lumabas ka na ng bansa habang may oras pa. Gayahin mo ako. Madidiin ka lang diyan at mabubulok sa kulungan," ayon sa post ni Xian.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Matatandaang pansamantalang napiit si Xian dahil sa kinasangkutan umano nito na Php2.6 million na investment scam.

Naging kontrobersyal pa noon lalo si Xian dahil sa mga kuhang larawan sa kanya na nakangiti pa matapos na madakip.

Si Xian Gaza o Christian Albert Gaza ay unang nakilala sa social media matapos ang kanyang kontrobersiyal na billboard proposal sa aktres na si Erich Gonzales para mag-coffee. Nakilala din siya sa bansag na "pambansang scammer" matapos siyang akusahan ng pang-iiscam. Gayunpaman, kapansin-pansing nakabangon na si Xian sa hindi magagandang sinapit na ito sa kanyang buhay. Katunayan, inspirasyon na ang hatid niya sa tagumpay na tinatamasa ngayon.

Read also

Cristy Fermin, inalmahan ang mga tumatawag kay Vhong Navarro na isa umanong kriminal

Samantala, gumulantang sa publiko noong Disyembre 6 ang pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro matapos na payagang makapagpiyansa ito ng halagang Php1 million. Ayon sa paliwanag ni Cristy Fermin, ang paglayang ito ni Vhong ay nangangahulugang maari na itong makabalik sa trabaho. Hindi na rin daw ito kailangang dakpin pa muli basta't sisiguraduhin nitong dadalo ng maayos sa bawat hearing ng kanyang kaso.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica