Matet de Leon, aminadong mali siya nang sabihing hindi na niya kakausapin ang ina

Matet de Leon, aminadong mali siya nang sabihing hindi na niya kakausapin ang ina

- Binahagi ni Matet de Leon sa mga viewers niya sa kanyang livestream ang tungkol sa pagbabati nila ng kanyang inang si Nora Aunor

- Aniya, hindi pala niya kayang hindi na kausapin ang kanyang ina kagaya sa nauna niyang nasabi

- Dagdag pa niya, nasabi niya iyon siguro ay dahil sa kanyang sama ng loob noong panahong iyon

- Aminado din siyang naapektuhan siya sa mga pambabatikos sa kanya ng bashers

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Matet de Leon, maayos na sila ng kanyang mommy na si Nora Aunor. Aniya, hindi pala niya kayang hindi na kausapin ang kanyang ina kagaya sa nauna niyang nasabi.

Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Nora Aunor attends "Thy Womb" Premiere during The 69th Venice Film Festival at the Palazzo del Cinema on September 6, 2012 in Venice, Italy. (Photo by Dominique Charriau/WireImage)
Source: Getty Images
"I think I spoke too soon when I said I didn't want to talk to her anymore...out of anger."

Gayunpaman, nag-chat umano sa kanya ang kanyang mommy at aniya ay sino ba naman siya para hindi sumang-ayon sa pakikipagbati ng kanyang mommy.

Nag-chat sa akin si Mommy na sana maging maayos na, maging okay na kami, na sana, kasi bagong taon, kalimutan na natin yung mga nangyari nitong nakaraan.Who am I not say yes to that and [not] to agree with her?

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Aminado din siyang naapektuhan siya sa mga pambabatikos sa kanya ng bashers.

Si Nora Aunor o Nora Cabaltera Villamayor ay sumikat sa mundo ng showbiz hindi lamang sa husay niya sa pag-arte kundi maging sa kanyang pag-awit. Naging film producer na rin siya kinalaunan. Nakilala siya sa bansag na "Superstar" at isinusulong ng marami na maging National Artist.

Samantala, nauna nang binuweltahan ni Lotlot de Leon ang isang netizen na nagkomento sa kanyang Instagram post kaugnay sa lumabas na balita at litrato na nagsasabing hindi siya kasama sa mga kapatid niya na pumunta sa kanilang inang si Nora Aunor. Ayon sa netizen na nagkomento, masyado na umanong tinitiis ni Lotlot ang ina gayong ito ang umampon sa kanya.

Kamakailan ay inihayag ni Nora ang kanyang kasiyahan na nakasama niya ang kanyang mga anak at mga apo. Ito ay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kasama ang mga taong malalapit sa kanya. Kabilang sina Matet at Ian De Leon sa mga nakasama niya sa kanilang simpleng selebrasyon. Aniya, halos limang araw silang nagkasama sa Bicol at lubos niyang pinagpasalamat na nakasama niya ang kanyang mahal sa buhay sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel