Julia Barretto, makakapareha ni Alden Richards sa bagong pelikula

Julia Barretto, makakapareha ni Alden Richards sa bagong pelikula

- Si Julia Barretto ang mkakakapareha ni Alden Richards sa bagong pelikula nito

- Ito ay matapos umatras ni Bea Alonzo sa naturang project dahil ayon sa nilabas nilang statement ay puno ang schedule nito

- Ayon sa management ay maaring sa July o Agosto magsisimulang mag-shooting ang pelikulang pagtatambalan nina Julia at Alden

- May bagong pelikula din si Alden kung saan si Julia Montes naman ang kanyang katambal

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Si Julia Barretto ang bagong kapareha ni Alden Richards sa bagong pelikula niya na dapat sana ay gagawin nila ni Bea Alonzo.

Matatandaang hindi na tinuloy ni Bea ang naturang pelikula dahil puno na umano ang kanyang schedule at ayaw niyang madelay ang paggawa ng naturang pelikula dahil sa paghihintay sa kanya.

Julia Barretto, makakapareha ni Alden Richards sa bagong pelikula
Julia Barretto, makakapareha ni Alden Richards sa bagong pelikula (@juliabarretto)
Source: Instagram

Magtatambal sila sa pelikulang A Special Memory, adaptation ng Korean movie na A Moment to Remember.

Ito ay pelikulang gagawin sa ilalim ng produksiyon ng GMA Pictures, Viba Films at APT Entertainment.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Katatapos lang din ng taping ng pelikulang pinagtambalan naman nina Alden at ni Julia Montes na pinamagatang Five Break-Ups and a Romance.

Si Julia Barretto ay isang aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Kamakailan ay si Julia ang naging guest ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi. Bukod sa kanilang pag-uusap at karaoke habang nasa biyahe, tinuruan din ni Yassi si Julia ng dance steps ng "Tala". Sa huling bahagi ng video ay nagsalitan at nagpagalingan sina Yassi at Julia sa mga nakakapilit-dilang tagalog na tongue twisters - Kahit may lahing banyaga ay napabilib si Julia kay Yassi sa husay nito sa mga binigkas nilang tongue twisters.

Kinakiligan sina Julia at Gerald Anderson sa isang video na binahagi ni Gerald sa kanyang YouTube channel. Sumama si Julia sa 3 on 3 basketball game ng boyfriend niyang si Gerald para suportahan ito. Sa huling bahagi ng video ay hindi tumanggi si Julia sa paanyayang isama siya sa exhibition sa dunk contest. Makikita din kung paano alagaan ni Julia si Gerald sa pamamagitan ng pagpunas ng pawis nito kapag nasa break ito mula sa paglalaro.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel