Julia Barretto, ibinida ang kagandahan ng isla ng Siquijor

Julia Barretto, ibinida ang kagandahan ng isla ng Siquijor

- Pinakita ni Julia Barretto ang kagandahan ng isla ng Siquijor sa segment na "Juju on The Go " kanyang YouTube channel

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

- Bukod sa pagpapakita ng mga magagandang pasyalan sa isla, ibinida din ng kanyang team ang mga masasarap na pagkain

- Pumunta din ang team niya sa manggagamot kung saan mayroong iba't-ibang pangontra

- Kinabiliban ang aktres dahil game ito na nagpamasahe gamit ang langis na naroroon din sa bahay ng manggagamot

Kinabiliban si Julia Barretto sa kanyang pagbida sa magagandang lugar sa bansa upang makatulong sa turismo. Isa sa kanyang pinakita ay ang kagandahan ng isla ng Siquijor kung saan pinausukan siya at pinahiran ng langis ng manggagamot.

Julia Barretto, ibinida ang kagandahan ng isal ng Siquijor
Julia Barretto, ibinida ang kagandahan ng isal ng Siquijor (@juliabarretto)
Source: Instagram

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Read also

Joshua Garcia sa pamamahinga niya sa vlogs; "'Di lang talaga siya para sa akin"

Bukod sa mga magagandang pasyalan, ibinida din ni Julia at ng kanyang team ang ilang mga kainan. Marami sa mga netizens ang natuwa dahil sa mas nakikita ang kagandahan ng mga isal sa bansa sa kanyang vlog. Kimabiliban din ang pagiging magalang ni Julia sa mga taong nakakasalamuha niya.

Ang ganda at ang bait ni Julia talaga napaka down to earth nya sobra. Para sakin she is perfect woman, beautiful and l love her voice.
I must say, Julia's vlogs featuring the beautiful places in the Philippines are really worth watching. Pang international ang level mapanood sana ng mga turista
Galing makibagay ni Julia sa lahat...natuwa Ako sa pagsawsaw Ng tinapay sa kapeAng galing lang tingnan Hindi mukhang pilit

Si Julia Barretto ay isang aktres na nagmula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz dahil sa husay nila sa pag-arte. Anak siya ni Dennis Padilla at ng batikang aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto.

Read also

Erik Santos, napahagulhol sa pagbabahagi ng mga huling sandali ng kanyang ina

Kamakailan ay si Julia ang naging guest ni Yassi Pressman sa kanyang YouTube segment na #CAReokeWithYassi. Bukod sa kanilang pag-uusap at karaoke habang nasa biyahe, tinuruan din ni Yassi si Julia ng dance steps ng "Tala". Sa huling bahagi ng video ay nagsalitan at nagpagalingan sina Yassi at Julia sa mga nakakapilit-dilang tagalog na tongue twisters - Kahit may lahing banyaga ay napabilib si Julia kay Yassi sa husay nito sa mga binigkas nilang tongue twisters.

Kinakiligan sina Julia at Gerald Anderson sa isang video na binahagi ni Gerald sa kanyang YouTube channel. Sumama si Julia sa 3 on 3 basketball game ng boyfriend niyang si Gerald para suportahan ito. Sa huling bahagi ng video ay hindi tumanggi si Julia sa paanyayang isama siya sa exhibition sa dunk contest. Makikita din kung paano alagaan ni Julia si Gerald sa pamamagitan ng pagpunas ng pawis nito kapag nasa break ito mula sa paglalaro.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel