Sunshine Cruz, pinasalamatan ang partner ni Cesar Montano sa pagmamahal nito sa mga anak niya

Sunshine Cruz, pinasalamatan ang partner ni Cesar Montano sa pagmamahal nito sa mga anak niya

- Pinasalamatan ni Sunshine Cruz ang kasalukuyang karelasyon ni Cesar Montano na si Kath Angeles

- Sa isang post kung saan kasama nila si Kath ang isang anak niya na si Kirsten at ang tatlong anak nina Sunshine at Cesar na sina Sam, Angelina at Chesca

- Aniya, blessed ang mga anak niya na nagkaroon sila ng Tita Kath at sinabi niya rinf masaya sila na makasama ang mag-inang Kath at Kristen

- Nabanggit din ni Sunshine na mahal ng mga anak niya ang kanilang Tita Kath, ang ama nila at ang kanilang mga kapatid

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakasama nina Sunshine Cruz at ng tatlong anak niyang sina Sam, Angelina at Chesca ang partner ni Cesar Montano sa pagdiriwang nila ng kaarawan ni Chesca, ang bunsong anak nina Sunshine at Cesar. Kasama din nila ang isa sa kanilang mga kapatid sa ama na si Kristen.

Sunshine Cruz, pinasalamatan ang partner ni Cesar Montano sa pagmamahal nito sa mga anak niya
Sunshine Cruz, pinasalamatan ang partner ni Cesar Montano sa pagmamahal nito sa mga anak niya (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Pinasalamatan ni Sunshine si Kath sa pagmamahal nito sa mga anak niya at aniya ay blessed ang mga anak niya na magkaroon ng Tita Kath. Nabanggit din ni Sunshine na mahal ng mga anak niya ang kanilang Tita Kath, ang ama nila at ang kanilang mga kapatid.

Happy to see you last night @maarriiaaa05 & Kristen. Chesca, as well as Sam and Angelina are truly blessed to gain a Tita Kath. ❤️Thank you for loving the three girls. They are grateful to you and they love you, their dad and their siblings.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel