Sunshine Cruz, bumwelta sa nag-post tungkol sa airline issue

Sunshine Cruz, bumwelta sa nag-post tungkol sa airline issue

- Umalma si Sunshine Cruz sa isang netizen na nag-post tungkol sa umano'y pagkaka-bumped off nila sa kanilang flight papuntang Bali

- Matapos mag-post ng naturang netizen ay sina Sunshine kasama ng kanyang mga anak at kaibigan ang na-bash

- Kaya minabuit niyang linawin na hindi sila ang tinutukoy sa post na sa kasalukuyan ay deleted na

- Inalmahan niya na umano ay hinayan ng nag-post na ma-bash sila dahil sa kanyang naibahagi sa kanyang post

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan ni Sunshine Cruz ang pag-post ng isang netizen na naging sanhi ng pang-babash sa kanya kasama ang kanyang mga anak habang nasa bakasyon sa Bali, Indonesia. Ani Sunshine, hindi fair na naba-bash sila gayong hindi naman sila ang celebrity na tinutukoy sa post.

Sunshine Cruz, bumwelta sa nag-post tungkol sa airline issue
Sunshine Cruz, bumwelta sa nag-post tungkol sa airline issue (@sunshinecruz718)
Source: Instagram

Ang naturang post ay nag-viral. Ayon sa netizen nagulat siya nang malamang na-bumped off sila o nailipat sa mas mababang mababang cabin class mula sa business class. Dahil daw ito sa naibigay sa celebrity at kanyang pamilya.

Read also

Ivana, hindi pa raw handang makipag-date muli: "Natatakot ako sa mga napapanood ko"

Ani Sunshine, unfair para sa kanila na naba-bash sila. Burado na raw ang post ngunit ayon pa sa aktres ay hinayaan lang nito na ma-bash sila.

My family and friends have tickets to Bali at nakasakay ka din naman pala girl. Hinayaan mo pang i-bash at guluhin kami ng mga tao sa insidente na wala kaming kaalam-alam at kasalanan. Ngayong lumaki ang issue deleted na ang post mo girl?!

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.

Read also

Zeinab Harake, ibinahagi ang larawan ng mga anak na sina Bia at Lucas: "Sarap niyong tingnan"

Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.

Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate