Sunshine Cruz, pinagsabihan daw si Cesar Montano na maging mabait sa partner niya
- Ayon kay Sunshine Cruz, pinagsabihan niya si Cesar Montano na magpakabait na at maging mabait sa partner nito na si Kath Angeles
- Aniya, siya ng kanyang mga anak ang makakaaway niya sila ng kanyang mga anak
- Masaya daw si Sunshine na marinig sa mga anak na nabuo ang bahagi ng kanilang puso na kulang nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang
- Marami ang natutuwa sa magandang samahan at turingan nina Sunshine at ng kanyang dating asawa kasama ang bagong pamilya ni Cesar
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!"Recommended for you" block at mag-enjoy!
Naibahagi ni Sunshine Cruz sa kanyang pag-guest sa Fast Talk with Boy Abunda na sinabihan niya umano si Cesar Montano na magpakabait na sa partner nito na si Kath Angeles dahil aniya ay napakaswerte ni Cesar sa kanyang mabait at napakagandang partner.

Source: Instagram
Dagdag pa ni SUnshine sila ng kanyang mga anak ang makakaaway ni Cesar kung hindi ito magiging matino sa kanyang bagong karelasyon.
Masaya din daw siya na makita ang kinang sa mga mata ng kanyang mga anak dahil nabuo na ang bahagi ng kanilang puso na kulang nang magkahiwalay ang kanilang mga magulang.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Ang aktres na si Sunshine Cruz ay mula sa sikat na angkan ng mga Cruz na kilala sa mundo ng showbiz. Ang kanyang mga pinsang sina Geneva Cruz, Donna Cruz, at Sheryl Cruz ay nakilala din sa pag-aartista at sa pag-awit. Nabiyayaan sila ng dating asawang si Cesar Montano ng tatlong anak na sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Franchesca. Kagaya ni Cesar, mayroon na ring bagong karelasyon si Sunshine.
Hindi pinalampas ni Sunshine ang isang basher na nagbanggit tungkol sa paggawa niya noon ng "bold movies." Aniya ito umano ang dahilan kung bakit na-turn off si Cesar Montano kay Sunshine kaya naghanap umano ito ng iba. Sagot ni Sunshine, hindi nito alam kung ano talaga ang mga nangyari sa kanila at hindi nila siya kilala. Sinabihan din ng aktres ang naturang basher na nag-komento na mag-move on na lang din siya.
Nag-post si Sunshine ng pictures na kuha sa 18th birthday celebration ng anak niya. Makikita sa kanyang picture na binahagi na kuha ng Nice Print Photgraphy na kasama din si Cesar sa pagdiriwang. Ito ang unang pagkakataon na nag-post si Sunshine ng picture nilang magkakasama simula nang maghiwalay sila ng dating asawa. Naroroon din ang kanyang kasalukuyang partner na si Macky Mathay at ang isa pang anak ni Cesar na si Diego Loyzaga.
Source: KAMI.com.gh