Karen Davila, sinorpresa si Herlene Budol ng house shopping spree

Karen Davila, sinorpresa si Herlene Budol ng house shopping spree

- Binahagi ni Karen Davila ang video ng pagsama niya kay Herlene Nicole Budol na mamili ng gamit para sa kanyang bahay na binigay sa kanya ni Wilbert Tolentino

- Tuwang-tuwa si Herlene na aniya ay makokompleto na ang gamit nila sa kanilang bahay

- Maging sina Karen at ang manager niyang si Wilbert Tolentino ay nagbigay ng kanilang suhestiyon pagdating sa pagpili ni Herlene ng mga bibilhing gamit

- Hirit pa ni Herlene, tatawagin niyang "Budol family" ang bahay nila dahil lahat umano iyon ay napasakanya dahil sa kanyang pambubudol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sobrang saya ni Herlene Nicole Budol matapos niyang makapamili ng mga gamit para sa kanyang bagong bahay. Sa tulong ni Karen Davila ay nakapamili siya ng mga gamit sa bahay niya.

Karen Davila, sinorpresa si Herlene Budol ng house shopping spree
Karen Davila, sinorpresa si Herlene Budol ng house shopping spree (@herlene_budol)
Source: Instagram

Matatandaang sa unang vlog ni Karen ay napuntahan niya ang tahanan ni Herlene at pinakita ni Herlene sa kanya ang bagong bahay. Dahil dito ay nakapagbigay din ng kanyang suhestiyon si Karen at maging si Wilbert Tolentino.

Read also

Herlene Budol, idinetalye ang paghabol ng pulis sa kanya sa Uganda; "Eto na 'ata katapusan ko"

Bukas naman si Herlene sa mga minumungkahe nina Karen at Wilbert. Base sa caption ng naturang video, Oktubre umano nila ginawa ang video bago pumunta si Herlene sa Uganda para sana sa kanyang laban sa Miss Planet International na sa kasamaang palad ay hindi natuloy.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel