Charo Santos, nagpasalamat kay Mel Tianco sa pahayag nito sa pagtatapos ng MMK

Charo Santos, nagpasalamat kay Mel Tianco sa pahayag nito sa pagtatapos ng MMK

- Naghayag si Charo Santos ng saloobin niya kaugnay sa magagandang komentong natatanggap niya matapos isapubliko ang pagtatapos ng MMK o "Maalaala Mo Kaya"

- Kabilang sa mga nagbigay ng magandang komento ay ang host ng katunggaling programa ng MMK

- Pinasalamatan ni Charo si Mel Tianco sa kanyang pahayag kamakailan kung saan sinabi niyang walang makakapalit sa MMK

- Pinasalamatan din ni Charo ang mga tagapanuod at tagasubaybay ng kanyang programa na tumagal ng mahigit tatlong dekada

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasalamatan ni Charo Santos ang award-winning news anchor na si Mel Tianco kaugnay sa pahayag nito sa pagtatapos ng Maalaala Mo Kaya. Matatandaang sinabi niyang walang makakapalit sa MMK.

Charo Santos, nagpasalamat kay Mel Tianco sa pahayag nito sa pagtatapos ng MMK
Charo Santos, nagpasalamat kay Mel Tianco sa pahayag nito sa pagtatapos ng MMK (@charosantos)
Source: Instagram

Sa video na binahagi ng Kapamilya Online World, sinabi niyang ang "sweet" ni Mel.

“So sweet of her. So sweet talaga of Miss Mel Tiangco,” said Charo. “Thank you very much, Mel, for your kind words.”

Read also

Misis ni Andrew Schimmer, comatose pa rin; "Until now she's still in a very deep sleep"

Pinasalamatan din ni Charo ang mga tagapanuod at tagasubaybay ng kanyang programa na tumagal ng mahigit tatlong dekada.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

“What can I say? I only say thank you. Thank you so much for all the years that they supported Maalaala Mo Kaya. At saka nakakataba ng puso na ngayon ay we’re on our last two episodes ay talagang lungkot at panghihinayang ang naririnig mo sa mga avid fans ng programa.”

Si María Rosario Santos Concio o mas kilala sa kanyang screen name na Charo Santos-Concio or ay isang media executive at Pinay actress. Siya ang host ng pinakamatagal na television drama anthology sa Asya, ang Maalaala Mo Kaya.

Matatandaang kamakailan ay naghayag ng kanyang saloobin ang award-winning news anchor na si Mel Tianco sa pagtatapos ng Maalaala Mo Kaya o MMK. Sa isang social media post, naihayag ni Mel na sana ay hindi umano totoo ang report dahil aniya ay walang makakapalit sa MMK. Naihayag ni Charo kamakailan ang tungkol sa pagtatapos ng MMK. Ani Mel, namumukod-tangi ang MMK pagdating sa pagbabahagi ng kwento.

Read also

RR Enriquez sa bagong post ni Pambansang Kolokoy; "Gigil much si Sawsawera Queen niyo"

Pinasalamatan naman ni Charo ang lahat ng mga nakaka-appreciate sa kanilang ginagawa sa MMK sa mahigit tatlong dekada. Sa isang post ay taos pusong nagpasalamat ang host sa mga magagandang komentong natatanggap niya. Bumuhos ang magagandang komento at paghayag ng kanilang kalungkutan na magtatapos na ang MMK. Maging ang mga artistang naging bahagi ng naturang programa ay naghayag ng kanilang pasasalamat at panghihinayang.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate