Toni Fowler, may pasaring sa mga taong di siya bet: "Memacompare lang"

Toni Fowler, may pasaring sa mga taong di siya bet: "Memacompare lang"

- Ayon kay Toni Fowler, ang mga taong hindi naman siya gusto kahit noon pa ang mga nagkokomento kaugnay sa pagbabago sa mukha niya

- Sa isang video na binahagi ng boyfriend niyang si Vince Flores, makikitang namamaga ang kanyang mukha

- Nilinaw ni Vince sa naturang video na mahal niya si Toni kahit ano pa ang itsura nito at lagi lang siyang nakasuporta

- Biro naman ni Toni, parang may mali nga sa kanyang mukha kagaya sa mga komento ng ilang netizens

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinasaringan ni Toni Fowler ang mga taong aniya ay hindi naman siya bet kahit noon pa man. Ito umano ang mga taong nagkokomento kaugnay sa pagbabago sa mukha niya.

Toni Fowler, may pasaring sa mga taong di siya bet: "Memacompare lang"
Toni Fowler, may pasaring sa mga taong di siya bet: "Memacompare lang" (@tonifowlerpo)
Source: Instagram
‘Nakakamiss yung dating Toni’ Comment ng mga taong mula noon di naman ako bet. Memacompare lang.

Kasunod ito ng binahaging video ni Vince Flores kung saan makikita na namamaga ang kanyang mukha. Nilinaw ni Vince sa naturang video na mahal niya si Toni kahit ano pa ang itsura nito at lagi lang siyang nakasuporta.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel