Donnalyn Bartolome, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post: "Mali pala yun"

Donnalyn Bartolome, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post: "Mali pala yun"

- Nagpost si Donnalyn Bartolome sa gitna ng kinakaharap niyang kontrobersiya matapos ang nauna niyang post

- Nilinaw niyang hindi lang siya nagbabahagi ng mga hirap na pinagdaanan niya ngunit aniya ay nagdaan din siya sa hirap

- Aniya, mali pala iyong ginagawa niya na kadalasan ay tagumpay lang niya ang naibabahagi niya

- Napagtanto niya din na defense mechanism niya na maging positibo kahit aniya ay ang hirap-hirap ng ng sitwasyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Donnalyn Bartolome, hindi totoong nanggaling sa kanyang pagiging privileged ang positivity niya sa naunang kotrobersiyal na post. Nilinaw niyang hindi lang siya nagbabahagi ng mga hirap na pinagdaanan niya ngunit aniya ay nagdaan din siya sa hirap.

Donnalyn Bartolome, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post: "Mali pala yun"
Donnalyn Bartolome, nagpaliwanag tungkol sa kanyang post: "Mali pala yun" (@donna)
Source: Instagram

Aniya, hindi lang niya ugali na magbahagi ng kanyang mga dinadanas na hirap dahil baka raw makabigat lang siya sa mga nakakabasa ng kanyang post.

Read also

Ivana Alawi, favorite new friend ng 2022 ni Zeinab Harake

Gayunpaman, napagtanto niyang mali daw pala na mga achievement niya lang ang ibahagi niya dahil ang dating ay wala siyang karapatang magsalita kaugnay dito. Dagdag pa niya, napagtanto niyang matinding defense mechanism ang kanyang ginagawa. At ito umano ay ang piliing maging masaya kahit mahirap na ang kanyang kalagayan.

Sa lahat ng nasaktan, gusto ko malaman mo pinagdaanan ko din mga sinasabi niyo God knows. Nagcollect ako ng pictures. Dumating ako sa point na lumuluhod ako nagmamakaawa kay God para may makain the next day, pangbayad sa tuition.. sa bahay, bills.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Donnalyn Bartolome ay isinilang noong July 9, 1994 sa Japan. Sumikat siya bilang isang singer, performer, YouTuber, producer, product endorser at social media influencer. Nakilala din siya sa kanyang mga awiting Happy Breakup, Di Lahat, Kakaibabe at Paskong Wala Ka.

Read also

Daniel Miranda, naghayag ng pagmamahal niya para sa kanyang mag-ina

Matatandaang kamakailan ay humingi ng dispensa si Donnalyn kaugnay sa kanyang baby-themed photoshoot para sa kanyang kaarawan. Aniya, honest mistake iyong nangyari at wala umano siyang intensiyong masama sa kanyang post. Gayunpaman, matapos umano niya mabasa ang mga saloobin ng ilan, napagtanto niyang may punto nga ang mga netizens. Minabuti niyang burahin na lamang ang mga pictures na kanyang na-post kasabay ng kanyang paghingi ng dispensa.

Matapos ang kontrobersiyal niyang birthday photoshoot nasundan ito ng kanyang “kanto style” birthday party na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel. Sa naturang party, jeep at tricycle ang ginamit na mga sasakyan. Kumain din sila ng mga Pinoy street food, nag-videoke at naglaro sila ng mga Pinoy party games. Ilan sa mga dumalo sa kanyang party ay sina Ella Cruz, Zeinab Harake, Jelai Andres, Mikee Quintos, Paul Salas, Mika Salamanca, Awra Briguela, at Andre Paras.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate