Herlene Budol, happy at thankful sa LED Billboard; excited nang makabalik sa Pinas
- Labis ang kasiyahan ni Herlene Nicole Budol nang makita ang sarili sa 3D LED Billboard niya sa EDSA
- Umani ito ng papuri sa netizens na tila nadaig pa raw umano ni Herlene ang ibang mga bigating personalidad sa ganda ng billboard nito para sa JAG
- Tila excited na rin na makauwi ng Pilipinas si Herlene matapos ang mga aberyang naganap sa Miss Planet International
- Matatandaang na-trauma umano ito sa sinapit sa kompetisyong hindi naayos ng pamunuan ng Miss Planet International sa Uganda
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Tila unti-unti nang nakakangiti si Herlene Budol mula sa mga kabi-kabila niyang pinagdaanan sa ngayo'y kanselado nang Miss Planet International sa Uganda.
Nalaman ng KAMI na ibinahagi ni Herlene' ang maiksing video kung saan makikita ang kanyang 1st 3D LED billboard para sa JAG na matatagpuan sa Edsa.
"Maraming salamat po sa support nyo sa 1st 3D LED billboard ko. Makikita nyo rin po ako sa 2 pang malaki LED billboard along EDSA," ang caption ni Herlene sa maiksing video.
Samantala, labis na natuwa rin ang mga netizens sa kanya gayung tila nadaig pa ni Herlene ang ibang malalaking pangalan sa bansa sa ganda ng kanyang billboard.
Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!
Tila nasasabik na rin si Herlene sa pag-uwi niya sa bansa. "See you soon Manila! Thank you Jag! Abangan ang Jag x Herlene Collection coming out soon!"
Si Herlene Nicole Budol aka "Hipon" ay isang komedyante, aktres at nagsimula bilang TV host sa programang "Wowowin". Kasalukuyan niyang hawak ng manager niyang si Wilbert Tolentino.
Aminado si Herlene na nabago ang kanyang buhay nang maging manager si Wilbert Tolentino.
Malaki ang naitulong nito sa paghahanda ni Herlene sa pagsali sa Binibining Pilipinas 2022.
Matapos na makamit ang first-runner up sa nasabing pageant, siya ang napiling kinatawan para sa Miss Planet International 2022 sa Uganda subalit sa hindi inaasahang pangyayari, napurnada ang naturang pageant dahil umano sa kakulangan ng paghahanda ng mga organizers nito.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh