Kampo ni Vhong Navarro, nilinaw na wala pang lumabas na resulta sa bail petition
- Ayon sa kampo ni Vhong Navarro, wala pang lumalabas na resulta sa bail petition na kanilang isinampa
- Ang nakatakdang paglipat umano kay Vhong sa Taguig City Jail ay hindi resulta ng desisyon ng korte sa Taguig hinggil sa petisyon ni Vhong na makapag-piyansa
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
- Ayon sa ulat ng UNTV News and Rescue, maaring maglabas ng desisyon ang korte na palayain si Vhong sakaling mapagbibigyan itong makapagpiyansa
- Sinabi ng isa sa abogado ni Vhong na si Atty. Maggie Garduque na tiniyak ng korte na ligtas ang pasilidad ng Taguig City Jail
Nilinaw ng kampo ni Vhong Navarro na wala pang lumalabas na resolution sa bail petition na kanilang isinampa. Ayon sa ulat ng UNTV News and Rescue, maaring maglabas ng desisyon ang korte na palayain si Vhong sakaling mapagbibigyan itong makapagpiyansa.
Wala pa rin umanong petsa kung kailan ililipat si Vhong sa Taguig City Jail ngunit natiyak na umano na ligtas ang pasilidad nito kapag nailipat na ang TV host.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Sa kasalukuyan ay hinihintay pa rin umano nila ang desisyon ng korte sa petition na kanilang isinampa upang payagang makapag-piyansa si Vhong.
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Source: KAMI.com.gh