Vhong Navarro, nakatakda nang ilipat umano sa Taguig City Jail
- Ililipat si Vhong Navarro sa Taguig City Jail ayon sa ulat ng “24 Oras” nitong Martes, November 15, 2022
- Alinsunod umano ito sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69
- Matatandaang nauna nang hiniling ng kampo ni Deniece Cornejo ang paglipat kay Vhong sa Taguig City Jail
- Nasa National Bureau of Investigation Detention Facility si Vhong sa kasalukuyan matapos nitong sumuko sa NBI noong araw na lumabas ang warrant of arrest sa kanya
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Si Vhong Navarro ay ililipat umano sa Taguig City Jail ayon sa ulat ng “24 Oras” nitong Martes, November 15, 2022. Matatandaang nauna nang hiniling ng kampo ni Deniece Cornejo ang paglipat kay Vhong sa Taguig City Jail.
Noong nakaraang linggo lang ay natapos na ang pagdinig sa petisyon ng kampo ni Vhong na payagan siyang makapag-piyansa. Hiling ng kampo ng TV host na payagan siyang makasama sa Pasko ang kanyang pamilya.
Samantala, ayon pa sa ulat ng “24 Oras,” alinsunod umano ang paglipat kay Vhong sa piitan sa Taguig sa inilabas na commitment order ng Taguig Regional Trial Court Branch 69.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Si Vhong Navarro ay nakilala sa mundo ng showbiz bilang isa sa miyembro ng all-male dancers na Streetboys. Sumikat din siya sa kanyang novelty songs na Totoy Bibo, Don Romantico at Chickboy. Naging bida din siya ng ilang pelikula kagaya ng Da Possessed, My Only You, Unli Life, D' Anothers, at Agent X44. Ikinasal siya sa creative manager at screenwriter na si Tanya Bautista.
Matapos ang kanyang pagpapahinga sa pagbabahagi ng YouTube content, muling nag-upload si Vhong ng bagong video sa kanyang YouTube channel. Ibinahagi niya ang isang car tour sa kanyang customized van na kanyang pinagawa sa Atoy Customs na kilala sa paggawa ng mga artista vans. Ani Vhong second hand niya lang nabili ang naturang van ngunit nagawa umano itong pagmukhaing sosyal matapos niyang ipa-customize. Sa kanyang vlog, pinakita ni Vhong ang iba't-ibang bahagi ng kanyang van na aniya ay bagay para sa kanya lalo na sa kanyang trabaho.
Nag-file ng kaso ang Taguig prosecutors laban kay Vhong Navarro kaugnay sa umano'y panggagahasa ng TV host kay Deniece Cornejo. Nauna nang binasura ng DOJ ang reklamo ni Cornejo dahil sa umano'y inconsistent na pahayag nito. Gayunpaman, pinayagan ng Court of Appeals ang petition ng kampo ni Cornejo kaugnay sa pagkakabasura ng kanyang reklamo. Mas maigi umano ayon sa Court of Appeals na patunayan ni Vhong na hindi totoo ang alegasyon sa kanya sa pamamagitan ng paglilitis sa kaso.
Source: KAMI.com.gh