Jodi Sta. Maria at Richard Yap, balik tambalan; ABS-CBN at GMA-7 magsasanib-puwersa

Jodi Sta. Maria at Richard Yap, balik tambalan; ABS-CBN at GMA-7 magsasanib-puwersa

- Magbabalik-tambalan sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap para sa isang bagong TV show

- Gayunpaman, hindi na ito sa ilalim ng ABS-CBN kamang kundi aging sa ilalim ng GMA-7

- Ito ang kauna-unahang proyekto na magsasanib pwersa ang dalawa sa pinakamalalaking TV network sa bansa

- Marami ang natuwa na sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay tila nagbukas ito ng mga panibagong oportunidad

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa umano'y balik tambalan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, hindi lang ABS-CBN kundi katuwang na rin ang GMA-7 sa pagbuo ng naturang serye. Wala pang nilalabas na pahayag ang dalawang network.

Jodi Sta. Maria at Richard Yap, balik tambalan; ABS-CBN at GMA-7 magsasanib-puwersa
Jodi Sta. Maria at Richard Yap, balik tambalan; ABS-CBN at GMA-7 magsasanib-puwersa (@jodistamaria)
Source: Instagram

Gayunpaman, kumalat sa social media ang larawang kuha mula pagpupulong na naganap na dinaluhan nina Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN na si Cory Vidanes at ni Atty. Annette Gozon-Valdes na Senior Vice President naman ng GMA.

Read also

Wilbert Tolentino, idinetalye ang umano'y aberyang naganap sa Miss Planet International

Makikita ang sa naturang picture ang led na nasa likod kung saan nakalagay ang logo ng ABS-CBN at GMA na kauna-unahang pangyayari sa showbiz. Marami ang natuwa na sa kabila ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay tila nagbukas ito ng mga panibagong oportunidad.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Jodi Sta. Maria ay isa sa mga iconic actresses sa Pilipinas. Mas nakilala siya bilang si "Maya" sa 'Please Be Careful With My Heart.' Siya ay may anak sa dating karelasyon na si Pampi Lacson na pinangalanan nilang si Thirdy.

Sa kanyang post sa Instagram, binahagi ni Jodi ang throwback picture kung kailan iba pa umano ang paraan ng pakikipag-bonding sa mga kaibigan. Ginamit niya ang hashtag na #batang90s kalakip ng kanyang caption tungkol sa pagpunta sa photo studio ng mgakakaibigan para magpakuha ng litrato. Magsusulat din sila ng kanilang dedication para sa mga kaibigan sa likog ng litrato.

Kabilang si Jodi sa nag-comment sa sweet na message ni Iwa Moto para sa partner niyang si Pampi Lacson. Naglagay ng tatlong heart emojis si Jodi sa naturang post ni Iwa kalakip ng pictures nila ni Pampi. Pabiro namang sinagot ni Iwa ang comment ni Jodi at sinabi nito na may ipapabili daw siya kay Pampi. Dahil sa pagiging magkaibigan nina Iwa at Jodi ay marami ang natutuwa sa kanila sa kabila ng kanilang mga nakaraan.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel