Mag-amang Ellie at Jake Ejercito, kinaaliwan sa kanilang #JEllieConvos

Mag-amang Ellie at Jake Ejercito, kinaaliwan sa kanilang #JEllieConvos

- Kinaaliwan sina Jake Ejercito at ang anak niyang si Ellie Ejercito matapos ibahagi ni Jake ang screenshot ng kanilang conversation

- Ayon kay Jake, nasa bakasyon siya pero gusto ni Ellie na matapos na ang bakasyon ng ama para ma-unlock ang app para sa kanya

- Naiwan umano ni Jake ang kanyang iPad sa Manila habang nasa beach siya para magbakasyon pagkatapos ng lock-in taping

- Kadalasan ay binabahagi ni Jake ang pag-uusap nila ni Ellie na kanyang tinawag na #JEllieConvos at marami sa mga netizens ang natutuwa sa mag-ama

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Binahagi ni Jake Ejercito ang pag-uusap nila ng anak niyang si Ellie Ejercito habang nasa bakasyon siya. Naiwan umano ang iPad ni Jake sa Manila ngunit gusto ni Ellie na ipa-unlock ang app para sa kanya.

Mag-amang Ellie at Jake Ejercito, kinaaliwan sa kanilang #JEllieConvos
Mag-amang Ellie at Jake Ejercito, kinaaliwan sa kanilang #JEllieConvos (@unoemilio)
Source: Instagram

Sa naturang conversation ay makikitang tinanong ni Ellie ang ama kung nasaan ito. Agad naman niyang sinagot ang anak na nasa beach siya. Nagsend din siya ng picture niya bilang patunay na nasa bakasyon nga siya matapos ang lock in taping niya.

When you’ve left your iPad in Manila and your daughter wants you to end your vacay ASAP just so you could unlock an app for her #JEllieConvos

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kadalasan ay binabahagi ni Jake ang pag-uusap nila ni Ellie na kanyang tinawag na #JEllieConvos at marami sa mga netizens ang natutuwa sa mag-ama.

Si Juan Emilio Ejercito o mas kilala sa screen name niya bilang si Jake Ejercito ay anak ni dating pangulong Joseph Estrada at ni Laarni Enriquez. Siya ang ama ng panganay na anak ni Andi Eigenmann na si Ellie Ejercito. Naging bahagi siya ng ilang mga serye kagaya ng Marry Me Marry You. Ilan sa mga pelikulang kanyang nagawa ay Coming Home (2020), Pamilya (2018) at Mansyon (2017.)

Maayos ang co-parenting nina Jake at Andi sa kabila ng pagkakaroon ng sariling pamilya ni Andi na nakatakda nang ikasal kay Philmar Alipayo na ama ng dalawang anak niya. Kamakailan ay nabanggit ni Jake na naapektuhan si Ellie sa sigalot sa pagitan ng kanyang mga magulang noon. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon bilang magulang kay Ellie. Sa katunayan, tinawag ni Jake na "MVP" si Andi kamakailan.

Naibahagi din ni Jake ang isang lumang picture ni Andi Eigenmann na kuha sa dinner date nila noong 2013 noong sila pa ang magkarelasyon. Binahagi niya rin ang picture ni Ellie na kagaya ng pagkakakuha ng picture ni Andi na kalahati lang ng kanyang mukha ang kita. Marami naman ang natuwa sa binahaging ito ni Jake dahil kahit hindi na sila ni Andi ay naibabahagi pa rin nito ang picture ng ex. Sa kasalukuyan ay maayos na ang kanilang relasyon sa pagiging co-parents sa anak nilang si Ellie.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel