Kristel Fulgar, pumirma na ng kontrata sa isang Korean entertainment agency

Kristel Fulgar, pumirma na ng kontrata sa isang Korean entertainment agency

- Pumirma na si Kristel Fulgar sa Korean entertainment agency na Fivestone sa Hongdae

- Sa kanyang vlog, pinakita ni Kristel ang pagkikita nila ng CEO ng naturang agency at pagpirma niya ng kontrata

- Ayon naman sa CEO ng skin care brand na si Yohan Kim, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya

- Pinalakas pa nito ang loob ni Kristel dahil ayon sa dalaga ay hindi pa siya confident dahil kailangan pa niyang pag-igihin ang kanyang pagsasalita sa kanilang wika

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pumirma na si Kristel Fulgar ng kontrata sa isang Korean entertainment agency. Gayunpaman, ayon kay Kristel ay hindi pa siya confident magsalita ng Korean kaya aniya ay huwag munang umasa.

Kristel Fulgar, pumirma na ng kontrata sa isang Korean entertainment agency
Kristel Fulgar, pumirma na ng kontrata sa isang Korean entertainment agency (@kristelfulgar)
Source: Instagram

Sinamahan siya ng CEO ng isang kilalang skincare brand na lagi niyang nakakasama sa kanyang mga vlogs na tinatawag niyang si Big Boss. Kakilala umano nito ang CEO ng Korean entertainment agency na Fivestone at kinausap niya ito.

Read also

Ogie Diaz, handang tulungan si Maegan Aguilar ngunit hindi bilang talent niya

Ayon pa kay Big Boss, pasado sa Korean beauty standard si Kristel kaya aniya ay may potential siya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Kristel Fulgar ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng "Goin' Bulilit". Ilan sa mga palabas na naging kabahagi siya ay Maria Flordeluna, Dahil Sa Pag-ibig, Got to Believe at Bagito.

Matatandaang muling nakasama ni Kristel ang "Maria Flordeluna" co-star niyang si Eliza Pineda sa kanyang bagong vlog. Siya din umano ang pinakaunang naging kaibigan ni Kristel sa showbiz dahil hindi umano ito mayabang kagaya ng ibang batang artista na nauna sa kanya. Sabay nilang pinanood ang isang eksena sa "Maria Flordeluna" at sinubukan nilang gayahin ang kanilang ginawa doon. Muli din nilang binalikan ang kanilang kabataan nang isa-isa nilang tiningnan ang mga pictures nila noon na magkasama.

Sa isang vlog ni Kristel, pinakita niya ang kanyang pagbiyahe papuntang South Korea. Sinundo siya ni Yohan Kim, o mas kilala sa bansag na Big Boss, ang CEO ng isang kilalang skincare brand na ni-launch sa Pilipinas noong 2018. Makikita sa naturang video ang kasiyahan nilang dalawa na muli silang nagkita nang personal matapos ang ilang taong pandemya. Marami naman sa viewers niya ang kinilig sa muli nilang pagsasama.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate