Toni Fowler, umalma sa tsismis na tinawag ni Zeinab Harake na "trash" ang ToRo fam

Toni Fowler, umalma sa tsismis na tinawag ni Zeinab Harake na "trash" ang ToRo fam

- Pumalag si Toni Fowler sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino kung saan sinabi niyang tinawag daw ni Zeinab Harake na trash ang ToRo family

- Aniya, hindi siya aalma kung hindi nabanggit ang pangalan niya at nadamay ang kanyang pamilya

- Sa kanyang live video ay naglabas ng saloobin si Toni at nakwento niya ang aniya'y kasalanan ni Zeinab sa kanya noong 2018

- Naipakita din ni Toni ang naging pag-uusap nila ni Zeinab noong nasangkot si Toni sa isyu nina Jon at Jelai

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Pinalagan ni Toni Fowler ang pagkakadawit ng pangalan niya sa nilabas na video ni Wilbert Tolentino. Kaugnay ito sa sinabi ni Wilbert na tinawag umanong "trash" ni Zeinab ang ToRo family.

Toni Fowler, umalma sa pagtawag umano ni Zeinab Harake sa ToRo na trash
Toni Fowler, umalma sa pagtawag umano ni Zeinab Harake sa ToRo na trash (@tonifowlerpo)
Source: Instagram

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Zeinab na kaya ayaw niyang maka-collab si Toni ay dahil kaibigan niya si Jelai Andres. Matatandaang nagkaroon ng isyu noon sina Toni at Jelai dahil kay Jon Gutierrez.

Read also

Wilbert Tolentino, sinabing threatened umano si Zeinab kina Madam Inutz at Herlene

Humingi na rin umano ng dispensa sa kanya si Zeinab ngunit hindi niya natiis na hindi makapagsalita dahil nadawit umano ang buong ToRo fam.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Matatandaang sa nilabas na video ni Wilbert ay nabanggit niyang sinabihan umano ni Zeinab na trash ang ilang maliliit na YouTuber kagaya nina Makagwapo, Toni Fowler, ToRo Fam at ang Star Image na talents.

Si Toni Fowler ay nakilala sa social media at bilang isang YouTuber matapos niyang masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay ng aktres at social media star na si Jelai Andres at sa asawa nitong Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Sa kanyang naunang video, pinasalamatan ni Toni ang kanyang boyfriend na si Vince Flores. Ito ay dahil nauunawaan umano nito ang kanyang desisyon na patawarin ang kanyang naging ex na si Rob. Siniguro niyang walang mangyayaring balikan sa kanila ni Rob Moya dahil mahal niya ang kanyang boyfriend. Mananatili umano silang mag-bestfriend habang buhay at hiling niya rin na maging masaya na si Rob.

Read also

Wilbert Tolentino, nag-sorry kay Herlene Budol: "Alam ko maiiyak ka"

Matapos ilabas ni Rob ang kanyang video kung saan nagkausap sila ni Toni, binahagi ni Toni ang kanyang saloobin. Binalikan niya ang naging relasyon nila ni Rob na aniya ay hindi niya pinagsisihan dahil tanggap niya umanong may mga taong hindi man nakatakda na makatuluyan niya ay naging bahagi ng kanyang nakaraan. Humingi rin siya ng sorry hindi lamang kay Rob kundi pati sa mga supporters nila at sa mga mahal sa buhay ni Rob dahil napahiya umano niya ito. Hiling ni Toni Fowler na sana ay huwag siyang husgahan sa pagpapatawad niya sa kanyang ex.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate