Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin: "Happy ba kayo?"

Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin: "Happy ba kayo?"

- Naibahagi ni Mariel Padilla sa kanyang pinakabagong vlog episode ang tungkol sa love story nila ng kanyang mister na si Robin Padilla

- Sa kanyang vlog, isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search tungkol sa kanya

- Ani Mariel, may mga taong nagsabing dalawang taon lang ay iiwan din siya kaagad ni Robin

- Sey ni Mariel sa mga negang tao na nagsabi nito sa kanya: "Happy ba kayo?"

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Kwento ni Mariel Padilla, nagsimula lang sa asaran ang love story nila ni Robin Padilla. Sa kanyang vlog, isa-isang sinagot ni Mariel ang mga Google search tungkol sa kanya kabilang na ang tungkol sa love story nila ni Robin.

Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin: "Happy ba kayo?"
Mariel Padilla sa mga nagsabing iiwan din siya agad ni Robin: "Happy ba kayo?" (@marieltpadilla)
Source: Instagram

Sa kasalukuyan, mahigit 12 taon na ang pagsasama ng mag-asawa. at ani Mariel ay nanatili silang matatag.

Here we are 12 years after, still strong, ani Mariel.

Read also

Mariel Padilla, pabirong sinabi na sakit niya ang sobrang pagkahilig sa bags

Kwento pa ni Mariel, marami ang nagsabing whirlwind romance daw ang kwento nila ni Robin at dalawang taon lang daw ay iiwan din siya kaagad ni Robin. Pabiro pa niyang sinabihan ang mga ito kung masaya daw ba sila.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Si Mariel Rodriguez-Padilla ay isang Filipina model, endorser, television host, VJ at aktres. Siya ay isang American Citizen. Ikinasal sila ng actor na si Robin Padilla noong Agosto 19, 2010 sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame. Mayroon na silang dalawang anak, si Isabella at Gabriela.

Nagbahagi kamakailan ng picture si Mariel sa kanyang Instagram feed. Ito ay ang picture niya kasama ang kanyang dalawang anak na sina Isabella at Gabriela. Marami ang humanga at nakapansin sa kagandahan ng mag-iina kaya naman, marami ang nagkomento sa naturang post ni Mariel.

Nagbigay naman ng babala si Mariel kaugnay sa fake account na nagkukunwaring siya. Sa binahaging screenshot ni Mariel, makikita na ang tinututkoy niya fake accoutn ay may handle na @marieltpadilla_ - Dinagdagan lamang ng underscore ang dulo ng username kaya marami ang maaring maniwalang pagmamay-ari iyon ni Mariel. Makikita sa profile ng fake account na nang-eengganyo ito bilhin ang mga produktong tinitinda niya.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel