Danica Sotto, sinabing paborito niyang asarin ang mister na si Marc Pingris

Danica Sotto, sinabing paborito niyang asarin ang mister na si Marc Pingris

- Binati ni Danica Sotto ang mister na si Marc Pingris sa kanyang Instagram post

- Kalakip ng compilation ng mga vido clips nilang mag-asawa, isang maiksing mensahe ang binahagi ni Danica

- Inilarawan niya ang mister bilang kanyang bestfriend at ang taong pinakapaborito niyang asarin

- Marami naman sa mga netizens ang nagpost ng kanulang pagbati din sa basketbolista

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa pagbati ni Danica Sotto-Pingris sa mister na si Marc Pingris sa kaarawan nito, ibinahagi niya ang compilation ng mga vido clips nilang mag-asawa. Sa kanyang mensahe ay inilarawan niya ang mister bilang kanyang bestfriend at ang taong pinakapaborito niyang asarin.

Danica Sotto, sinabing paborito niyang asarin ang mister na si Marc Pingris
Danica Sotto, sinabing paborito niyang asarin ang mister na si Marc Pingris (@danicaspingris)
Source: Instagram

Marami naman sa mga netizens ang nagpost ng kanulang pagbati din sa basketbolista.

Samantala, sa kanyang post ay pinasalamatan ni Marc ang mga mahal niya sa buhay.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Read also

Barbie Forteza, pinasalamatan ang mga tumatangkilik sa 'Maria Clara at Ibarra'

Salamat sa akin mga mahal sa buhay! Salamat sa pag mamahal nyo sa akin at sa akin pamilya! Happy b-day to meeeeeeeee! thank you LORD sa akin kaarawan!

Si Danica Sotto-Pingris ay panganay na anak ng dating mag-asawang sina Vic Sotto at Dina Bonnevie. Kapatid siya ni Oyo Boy Sotto. Nakilala siya sa kanyang pagganap sa mga pelikulang Fantastic Man (2003), Uno (2005) at Mama Said, Papa Said I Love You (1985). Ikinasal siya sa basketbolistang si Marc Pingris noong March 3, 2007. Kamakailan nga ay humingi ng dispensa si marc sa mga pagkukulang niya sa asawa niya.

Kinaaliwan din ang pag-post ni Danica ng video kung saan napagtripan niya ang kanyang mister. Lingid sa kaalaman ng kanyang asawa ay ginamitan niya ito ng sad filter habang kumukuha ng video. Tinanong niya si Marc kung bakit umano ito malungkot.

Matatandaang binahagi ni Danica ang tungkol sa magandang blessing na natanggap ng kanilang pamilya. Sa isang Instagram post ay pinakita niya ang maiksing video na nagpapakita ng sonogram ng kanyang pinagbubuntis na kanilang baby no. 3. Marami sa mga kapwa niya artista ang bumati sa celebrity mom na itinuturing na answered prayer ang kanyang pagbubuntis. Binahagi naman ni Marc Pingris ang tungkol sa balitang ito sa pamamagitan ng kanyang post kung saan binati niya ang sarili ng "Happy Father's Day."

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel