Candy Pangilinan, binahagi ang kahalagahan na maturuan ang anak na maging independent

Candy Pangilinan, binahagi ang kahalagahan na maturuan ang anak na maging independent

- Naibahagi ni Candy Pangilinan sa kanyang video ang unang pagkakataon na nag-out-of-town ang anak niyang si Quentin nang hindi siya kasama

- Aniya, mahalaga ito upang matutong maging independent ang kanyang anak at hindi lumaking mama's boy

- Kasama umano ng anak niya ang kanyang iba pang kapamilya dahil hindi na siya nakasama bunsod ng kanyang trabaho

- Hindi pinagkaila ni Candy na kailangan niyang mag-adjust dahil hindi siya sanay na hindi kasama ang kanyang anak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Candy Pangilinan, hindi siya nakasama sa out-of-town ng kanilang pamilya dahil sa trabaho kaya kinailangan niyang pasamahin ang anak na si Quentin nang wala siya. ito umano ang unang beses na hindi siya kasama ng anak sa isang out-of-town trip.

Candy Pangilinan, nawindang sa chikang patay na daw siya
Candy Pangilinan, nawindang sa chikang patay na daw siya (@candypangilinan)
Source: Instagram

Hindi maitago ni Candy na nalungkot siya ngunit aniya ay kailangan niyang mag-adjust dahil ito ay para maturuan umano ang anak na maging independent at hindi lumaking mama's boy.

Read also

Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang condo na siya mismo ang naglinis

Tumatawag naman si Candy para matingnan ang kalagayan ng anak kasama ang kaniyang lola at mga tita. Tawag umano nang tawag si Quentin at kinakamusta siya sa ilang araw nitong hindi sila magkakasama.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Maria Carmela Espiritu Pangilinan o mas kilala sa screen name niyang Candy Pangilinan ay isang aktres at komedyante. Ginawaran siya ng parangal bilang best actress sa CineFilipino 2016 at Los Angeles International Film Festival para sa pelikulang Star Na Si Van Damme Stallone.

Matatandaang ibinahagi ni Candy na tinamaan muli siya ng COVID-19 sa ikalawang pagkakataon. Disyembre ng 2020 siya unang tinamaan ng COVID kung saan asymptomatic naman daw siya. Ngunit ngayon, nanghina siya, sumakit ang ulo at katawan at nagkaroon din ng sipon at ubo. Hiling niyang hindi niya nahawa ang iba pa niyang kasama sa kanilang tahanan lalo na ang anak niyang si Quentin at ang kanyang ina.

Matapos niyang ibahagi ang pagpositibo niya sa COVID sa pangalawang pagkakataon, minabuti ni Candy na alamin kung may kasama pa siya sa bahay na tinamaan din ng COVID. Sa kabila kasi ng kanyang pag-iisolate, posibleng mayroon din ang kanyang kasamahan sa bahay dahil nakasalamuha niya ang mga ito bago niya natuklasang may COVID siya. Matapos ang antigen test sa kasamahan niya sa bahay, tanging ang kanyang mommy ang nag-negative ngunit kailangan pa itong kumpirmahin sa pamamagitan ng isa pang test. Kasama ang kanyang anak na si Quentin sa nagpositibo rin sa COVID.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

iiq_pixel