Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang condo na siya mismo ang naglinis

Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang condo na siya mismo ang naglinis

- Ipinasalip ni Vice Ganda ang kanyang eleganteng condominium na kanyang nilinis

- Mayroon siyang kaibigan na darating at doon tutuloy kaya naisipan niya itong linisin

- Mula sa paggo-grocery hanggang sa mismong paglilinis ng bawat sulok ng bahay ay ginawa ni vice

- Nagbiro pa ito tungkol sa mamahaling bag na kanyang dala na kaysa mabulok, ginamit na lamang daw

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinakita ni Vice Ganda ang kanyang condo unit.

Vice Ganda, ipinasilip ang kanyang condo na siya mismo ang naglinis
Vice Ganda
Source: Facebook

Nalaman ng KAMI na mayroon umano siyang kaibigang pansamantalang tutuloy doon kaya naman naisipan niyang siya mismo ang maglinis.

Kwento ni Vice, sa kanyang condo na ito siya nanuluyan nang ginagawa pa ang kanyang bahay.

Ginagamit din nila itong makeup room lalo na at ang kanyang makeup artist at stylist ay nasa katabi lamang niyang condo unit.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Mula sa pamimili ng stock na pagkain at mga panlinis hanggang sa aktwal na paglilinis, ginawa lahat ni Vice.

Lahat ng sulok ng kanyang condo ay matiyaga niyang nilinis at siya rin ang nag-ayos ng mga pinamili niyang stock ng pagkain at inumin sa kanyang ref.

At nang matapos, kitang-kita ang kaayusan at kalinisan ni Vice sa kanyang condo unit.

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel niya na Vice Ganda:

Si Vice Ganda ay isang aktor, TV host at komedyante na bumida na sa maraming pelikula kagaya ng Sisterakas, Praybeyt Benjamin, at Revenger’s Squad na talaga namang kumita sa takilya. Isa rin siya sa mga hosts ng noon time show na It's Showtime. Bukod sa kanyang pag-aartista, siya rin ay nagmamay-ari ng beauty products na Vice Cosmetics. Nakapagtanghal na rin siya sa iba't-ibang bahagi ng mundo sa pamamagitan ng kanyang pagpapatawa.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel