Herlene Budol, nag-post ng pictures na kuha sa kanilang house blessing

Herlene Budol, nag-post ng pictures na kuha sa kanilang house blessing

- Binahagi ni Herlene Nicole Budol ang ilang pictures kasama ang kanyang pamilya at mga bisita na kuha sa kanilang bagong bahay

- Ito umano ay kuha sa ginanap na house blessing sa bagong bahay na kamakailan lang din napa sa kanya mula sa kanyang manager na si Wilbert Tolentino

- Kabilang sa kanyang nakasama ay si Sir Wilbert at ang kanyang kasamahang si Madam Inutz

- Pinagpasalamat ni Herlene ang lahat ng mga dumalo sa biyayang natanggap niya at ng Pamilyang Budol

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Naibahagi ni Herlene Nicole Budol ang mga litratong kuha sa ginanap na house blessing sa kanyang bagong bahay na bigay sa kanya ng manager niyang si Wilbert Tolentino. Kabilang sa kanyang nakasama ay si Sir Wilbert at ang kanyang kasamahang si Madam Inutz na kagaya niya ay isa ding content creator.

Read also

K Brosas, nagbahagi ng house tour sa kanyang bagong bahay

Herlene Budol, nag-post ng pictures na kuha sa kanilang house blessing
Herlene Budol, nag-post ng pictures na kuha sa kanilang house blessing (@herlene_budol)
Source: Instagram

Pinagpasalamat ni Herlene ang lahat ng mga dumalo sa biyayang natanggap niya at ng Pamilyang Budol.

Bagong Bahay, Bagong Blessing! Salamat sa lahat ng bisita at pag babahagi ng okasyon na ito kasama ang Budol Family ❤️ More pics for upload

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Herlene "Hipon" Budol ay unang nakilala sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programa ni Willie Revillame na Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera. Kamakailan ay sumali siya sa Binibining Pilipinas kung saan naging first runner up siya.

Pinalakpakan si Herlene sa kanyang sagot sa Binibining Pilipinas Question and answer portion. Makikita din sa audience ang kanyang manager na hindi maitago ang kaba habang naghihintay ng sagot ng kanyang alaga. Sinalin naman sa wikang Tagalog ng huradong si Cecelio Asuncion ang kanyang tanong kay Herlene. Naghiyawan ang mga fans ni Herlene nang matagumpay nitong nasagot ang tanong sa kanya.

Ayon kay Herlene, gagawa siya ng sarili niyang kasaysayan para sa susunod na henerasyon. Para umano ito sa mga kabataang babae na may pangarap lumaban sa malalaking patimpalak at maging beauty queen. Muli niyang sinabi na hindi kamangmangan ang hindi pagsasalita ng wikang Ingles at nag-udyok din siya na pagyamanin ang Wikang Filipino. Matatandaang tanging si Herlene ang sumagot sa Q&A ng Binibining Pilipinas gamit ang wikang Filipino.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate

Hot: