K Brosas, nagbahagi ng house tour sa kanyang bagong bahay

K Brosas, nagbahagi ng house tour sa kanyang bagong bahay

- Naibahagi ni K Brosas ang isang house tour sa kanyang bagong bahay na kamakailan lang ay nilipatan na nila ng kanyang anak

- Sa kanyang YouTube channel ay pinakita ni K ang ilang bahagi ng kanyang bahay kabilang na ang kanyang living room, dining area, kusina at powder room

- Naibahagi ni K na halos lahat ng kanyang mga gamit sa bahay ay bago na at pinamigay umano niya sa mga kaibigan at ibang kaanak ang mga dati nilang mga gamit

- Nakatakda namang ibahagi ni K ang iba pang bahagi ng bahay sa iba pa niyang video na ibabahagi

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagbahagi ng house tour si K Brosas sa bagong bahay nila. Nabanggit ni K na halos lahat ng kanyang mga gamit sa bahay ay bago na at pinamigay umano niya sa mga kaibigan at ibang kaanak ang mga dati nilang mga gamit.

Read also

Aubrey Miles, nalungkot nang matanggal ang Rocket’s Autism Awareness page nila

K Brosas, nagbahagi ng house tour sa kanyang bagong bahay
K Brosas, nagbahagi ng house tour sa kanyang bagong bahay (@kbrosas)
Source: Instagram

Kabilang sa mga naipakita ni K sa kanyang house tour ay ang bungad ng kanyang bahay, ang kanyang living room, dining area, kusina at powder room na pawang makikita sa ground floor. Nakatakda namang ibahagi ni K ang iba pang bahagi ng bahay sa iba pa niyang video na ibabahagi.

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto ay naibahagi ni K ang picture ng kanyang bahay na noon ay patapos pa lamang. Sa kanyang Twitter post ay naibahagi niya ang picture ng kanyang three-storey minimalist home. Masayang-masaya si K sa biyayang kanyang natanggap na kanyang pinagpasalamat sa Panginoon. Nauna niya nang nabanggit na September sila lilipat sa bagong bahay nila.

Sa sumunod na post niya ay naibahagi niyang nakalipat na nga sila sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang social media post ay napasilip niya ang itsura ng kanilang bagong bahay. Nagbahagi din siya ng picture niya habang nakatayo sa balkonahe ng kanyang three-storey house. Ibinahagi din ni K ang kanyang pasasalamat sa architect at contractor na bumuo ng kanyang bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel