Mystica, binahagi ang video niyang kasama si Pambansang Kolokoy
- Nagbahagi ng video si Mystica kung saan kasama niya ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy
- Pabiro pang nagtanong si Mystica sa kanyang viewers kung ayos lang bang maging boyfriend niya si Pambansang Kolokoy
- Matatandaang naibahagi kamakailan ni Pambansang Kolokoy ang tungkol sa paghihiwalay nila ng asawang si Marites
- Kasalukuyang nasa Amerika si Mystica at nagpe-perform base na rin sa mga naibabahagi niyang videos sa kanyang YouTube channel
Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!
Sa video ni Mystica na kanyang binahagi sa kanyang YouTube channel, makikitang kabilang sa kanyang mga kasama ay ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy. Pabiro pang nagtanong si Mystica sa kanyang viewers kung ayos lang bang maging boyfriend niya ito.

Source: Instagram
May iba pa siyang nakasama sa naturang video ngunit makikita ang paghalik ni Mystica sa pisngi ni Pambansang Kolokoy. Kasalukuyang nasa Amerika si Mystica at nagpe-perform base na rin sa mga naibabahagi niyang videos sa kanyang YouTube channel.
PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!
Ang content creator na si Joel Mondina o mas kilala bilang Pambansang Kolokoy ay nakilala sa kanyang mga nakakaaliw na mga online videos. Isinilang siya sa La Union at lumaki sa Baguio City kasama ang kanyang lolo at lola. Taong 1994 nang lumipat siya sa US para makasama ang kanyang mga magulang na OFW.
Matatandaang inamin ni Joel Mondina sa pamamagitan ng isang video ang tungkol sa paghihiwalay nila ng kanyang misis na si Marites Mondina. Aniya, ayaw pa sana niya magsalita dahil may prosesso silang ginagawa ngunit marami umano ang nagtatanong kung bakit hindi na kasama si Marites sa mga video na binahagi ni Joel. Inamin niya din na mayroon siyang bagong karelasyon sa kasalukuyan at masaya umano sila. Nilinaw din niyang maayos ang kalagayan ng kanilang mga anak at hindi umano siya pabayang ama.
Samantala, matapos lamang ang ilang araw na rebelasyon ng kanilang hiwalayan, nagkasama muli sa vlog sina Pambansang Kolokoy at Marites. Marami raw umano sa kanilang mga subscribers ang nakaka-miss kay Marites kaya naman pinagbigyan nila itong makita muli. Nagbigay mensahe rin si Pambansang Kolokoy sa mga balak na mag-unsubscribe sa kanya dahil sa nangyari.
Source: KAMI.com.gh