K Brosas, tuloy pa rin ang demanda sa naunang contractor niya

K Brosas, tuloy pa rin ang demanda sa naunang contractor niya

- Ayon kay K Brosas, tuloy pa rin ang kaso niya sa unang contractor na umano'y nang-scam sa kanya

- Aniya, hindi niya pwedeng hayaan na lamang ang ginawa sa kanya dahil matagal na rin siyang nagpasensiya sa kanyang mga kaibigan kaya siya naaabuso

- Mahabang panahon bago natapos ang kanyang bahay dahil sa kanyang pinagdaanan

- Naniniwala umano siyang matagal man ay makakamit at makakamit niya ang hustisya

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nabanggit ni K Brosas sa kanyang vlog na bago na umano ang kanyang contractor. Tuloy pa rin umano ang kanyang pagdedemanda sa unang contractor niya na nauna nang napabalitang nang-scam sa kanya.

K Brosas, tuloy pa rin ang demanda sa naunang contractor niya
K Brosas, tuloy pa rin ang demanda sa naunang contractor niya (@kbrosas)
Source: Instagram

Hindi lang umano niya maikwento ang ibang detalye dahil kasalukuyan pang dinidinig ang kaso. Hindi daw niya pwedeng palampasin ang ginawa sa kanya dahil milyon din ang nawala sa kanya at ilang taon ang hinintay niya dahil sa nangyari. Dagdag pa niya, matagal na rin siyang nagpapasensiya kaya siya naaabuso.

Read also

Basel Manadil, kinompronta ang empleyadong nahuli niyang nagnakaw

Matatandaang naging emosyonal si K nang isapubliko nito ang tungkol sa nangyari sa kanyang pagpapagawa ng bahay niya. Kaya naman masaya siya na sa wakas ay tapos na ito matapos ang masalimuot na pinagdaanan niya.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Nakilala si K sa husay niya sa pagpapatawa at galing sa pagkanta. Sa katunayan, nakapag concert na rin siya na talaga namang sinuportahan ng kanyang mga tagahanga.

Naging kabilang si K sa mga hurado sa Tawag ng Tanghalan sa It's Showtime bago siya lumipat sa TV5.

Matatandaang nitong buwan ng Agosto ay naibahagi ni K ang picture ng kanyang bahay na noon ay patapos pa lamang. Sa kanyang Twitter post ay naibahagi niya ang picture ng kanyang three-storey minimalist home. Masayang-masaya si K sa biyayang kanyang natanggap na kanyang pinagpasalamat sa Panginoon. Nauna niya nang nabanggit na September sila lilipat sa bagong bahay nila.

Read also

Lyca Gairanod, binahagi ang video ng ama na nakikisaya sa kanila

Sa sumunod na post niya ay naibahagi niyang nakalipat na nga sila sa kanilang bagong bahay. Sa kanyang social media post ay napasilip niya ang itsura ng kanilang bagong bahay. Nagbahagi din siya ng picture niya habang nakatayo sa balkonahe ng kanyang three-storey house. Ibinahagi din ni K ang kanyang pasasalamat sa architect at contractor na bumuo ng kanyang bahay.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel