Scarlett Kramer, nakatanggap ng mamahaling bag mula sa kanyang mommy at daddy

Scarlett Kramer, nakatanggap ng mamahaling bag mula sa kanyang mommy at daddy

- Nakatanggap si Scarlett Kramer ng isang mamahaling bag mula sa kanyang mommy at daddy sa pagdiriwang nito ng kanyang kaarawan

- Sa isang bagong video ay naibahagi sa kanilang YouTube channel ang naging pagdiriwang ng ika-11 na kaarawan ni Scarlett

- Tuwang-tuwa ito sa regalo ng kanyang mga magulang kaya napayakap siya sa mga ito at nagpasalamat

- Binahagi din nila ang birthday party ni Scarlett na ginanap sa kanilang bahay na dinaluhan ng kanilang mga malapit na kaibigan at kaanak

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nakatanggap si Scarlett Kramer ng mamahaling bag bilang regalo ng kanyang mommy at daddy sa kanyang ika-11 na kaarawan. Masayang-masaya siya nang makita ang regalo na ayon pa kay Doug ay "something that Ate Kendra doesn't have."

Scarlett Kramer, nakatanggap ng mamahaling bag mula sa kanyang mommy at daddy
Scarlett Kramer, nakatanggap ng mamahaling bag mula sa kanyang mommy at daddy (@dougkramer)
Source: Instagram

Sa video na binahagi nila sa kanilang YouTube channel na The Kramers, pinakita nila ang masayang birthday party ni Scarlett na ginanap sa kanilang bahay. Dinaluhan din ng maraming bisita ang kanyang Sylvanian Families-themed birthday party.

Like and share our Facebook posts to support the KAMI team! Share your thoughts in the comments. We love reading them!

Si Doug Kramer ay sumikat bilang dating professional basketball player na naglaro sa walong koponan sa Philippine Basketball Association. Ikinasal sina Chesca at Doug Kramer noong October 9, 2008. Nabiyayaan sila ng tatlong anak na sina Clair Kendra Kramer, Scarlett Louvelle Kramer, at Gavin Phoenix Kramer. Iniwan ni Chesca ang pag-aartista upang maging full-time mommy sa kanyang mga anak.

Sa kanilang YouTube video, pinakita ng mag-asawang Doug at Chesca ang kanilang bagong condo sa kanilang mga anak. Hiwa-hiwalay na ang kanilang silid at ang disenyo ay binase umano sa gusto nila. Sa kanilang bahay, magkasama sa iisang silid sina Kendra at Scarlet samantalang may sariling silid naman si Gavin. Nagbahagi ng kanilang pasasalamat ang mga bata sa kanilang mga magulang dahil gustong-gusto umano nila ang kanilang mga silid.

Kamakailan ay binahagi ni Doug ang ilang pictures na kuha sa unang araw ng pagpasok ng panganay na si Kendra Kramer sa regular school. Ito ay matapos ang apat na taon na sa bahay lang sila nag-aaral kasama ang kanyang dalawa pang kapatid na sina Scarlet at Gavin. Papasok si Kendra bilang isang Grade 8 na mag-aaral at ayon kay Doug, sinigurado nilang handa ito sa lahat ng aspeto bago nila mapagpasyahang pwede na siyang pumasok sa regular school. Aniya, si Kendra ay naging magandang halimbawa sa kanyang mga nakababatang kapatid.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel