Sharon Cuneta, muling nakasama ang pamilya na kaanak ng mommy nya

Sharon Cuneta, muling nakasama ang pamilya na kaanak ng mommy nya

- Muling nakasama ni Sharon Cuneta ang extended family sa kanyang mother side na kinabilangan ng kanyang Mama Helen

- Masaya umano siyang nakakasama ang kanyang pamilya ngunit ipinagluluksa nila ang pagpanaw ng isa sa kanilang kaanak

- Pumanaw umano ang asawa ng nakababatang kapatid ng kanyang mommy

- Ito umano ang unang pagkakataon na nagkasama-sama sila matapos ang eleksiyon

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ibinahagi ni Sharon Cuneta ang pictures niya kasama ang extended family sa kanyang mother side na kinabilangan ng kanyang Mama Helen. Ito umano ang unang pagkakataon na nagkasama-sama sila matapos ang eleksiyon ngunit malungkot ang kanilang reunion dahil sa pagpanaw ng isa sa kanilang mahal sa buhay.

Sharon Cuneta, muling nakasama ang pamilya na kaanak ng mommy nya
Sharon Cuneta, muling nakasama ang pamilya na kaanak ng mommy nya (@reallysharoncuneta)
Source: Instagram

Pumanaw umano ang asawa ng nakababatang kapatid ng kanyang mommy. Ang kanyang Tito Jing Bacosa umano ay namayapa na.

I love being with my extended family on my Mommy’s side…but not during times of mourning over another family member. And this isn’t even half of us in these photos as the others were busy all over the place. It is our first time to all see each other since campaign season. What a happy but sad reunion. This time, it was my Tito Jing Bacosa who passed - husband of my Mommy’s second-to-the-youngest sister, Tita Edna (Mama Nana).

Read also

Lalaking kumasa sa 'Laklak challenge' na may premyong Php20,000, nasawi

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Si Sharon Gamboa Cuneta-Pangilinan ay isang Pinay na aktres, mang-aawit, TV host at endorser. Kilala siya sa bansag na "Megastar" dahil sa kanyang matagumpay na showbiz career. Siya ang asawa ni Senator Kiko Pangilinan.

Kamakailan ay inihayag ni Sharon ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga fans na iniuugnay pa rin siya sa pagganap niya bilang Darna. Isang tagahanga niya ang gumuhit ng larawan niya na nakasuot ng costume ni Darna bilang pagpapaalala na naging Darna din ang Megastar. Ikinatuwa ni Ate Shawee na nauugnay pa rin ang pangalan niya sa iconic na Pinoy superhero. Marami sa mga netizens ang nagsabing si Mega ang kanilang paboritong Darna.

Sa kanyang Instagram post ay muling inalala ni Sharon ang matalik niyang kaibigang si Sheree Gil. Nagpost siya ng picture nilang magkasama na aniya ay kanilang huling masayang gabi na nagkasama sila. Inihayag niya ang kanyang pangungulila sa kaibigan at binibilang pa rin niya ang araw na pumanaw ang kaibigan. Inihayag niya rin ang kanyang nararamdamang sakit sa pagpanaw ng kaibigan.

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate