Cristy Fermin, inalmahan ang mga umano'y nagsabing mukhang tatay ni Julia si Gerald

Cristy Fermin, inalmahan ang mga umano'y nagsabing mukhang tatay ni Julia si Gerald

- Umalma si Cristy Fermin sa mga nagsasabing para umanong tatay ni Julia Barretto ang nobyong si Gerald Anderson

- Ito'y nasasabi umano ng ilan dahil sa hitsura ni Gerald ngayon at sa pagitan daw ng edad ng dalawa

- Pagtatanggol naman nina Cristy, Romel Chika at Morly Alinio kay Gerald, maaring hindi pa lamang siya nakikita ng mga taong nanghuhusga sa kanya

- Tatlong taon nang magkarelasyon sina Julia at Gerald na naging kontrobersyal ang pag-amin ng estado ng kanilang pag-iibigan

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Inalmahan nina Cristy Fermin, Morly Alinio at Romel Chika komento ng ibang netizens na mukha na lamang umanong 'tatay' ni Julia Barretto ang nobyo nitong si Gerald Anderson.

Cristy Fermin, inalmahan ang mga umano'y nagsabing mukhang tatay ni Julia si Gerald
Cristy Fermin (Showbiz Now Na!)
Source: UGC

Nalaman ng KAMI na bukod sa komentong 'tatay', minsan ding nasasabihan si Gerald na driver o bodyguard ni Julia.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

"Hindi naman ako papayag na mukha nang tatay si Gerald... OA naman po 'yung pagkukumpara na 'yun, napakagwapo at napakabatang tatay naman po ni Gerald," ani Cristy.

"Masyado namang minamaliit ang trabaho ng mga driver at bodyguard. Sila po ay nagtatrabaho ng maayos, ligal, marangal hindi po dapat na maliitin," Dagdag pa ni Cristy sa mga nagkomentong mukha na lamang driver ni Julia si Gerald.

Ayon pa kay Morly Alinio, maaring hindi pa nakikita ng mga nagkokomentong ito si Gerald sa personal. Kaya naman ganoon na lamang ang mga komento nila sa aktor.

Narito ang kabuuan ng kanilang pahayag mula sa kanilang Youtube channel na Showbiz Now Na!:

Si Cristy Fermin isa sa mga respetadong showbiz reporter sa Pilipinas. Sa loob ng ilang dekada, pinangunahan niya ang iba't ibang mga talk shows kung saan masasagap ang mga latest showbiz chika.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang kanyang pamamayagpag sa pagbabahagi ng pinakabagong balita at isyu sa entertainment scene ng bansa sa kanyang mga programang Cristy Ferminute at YouTube channel na Showbiz Now Na! kasama sina Morly Alinio, Romel Chika at Wendell Alvarez.

Sa kanilang pinakabagong episode, pinagtanggol din ni Cristy ang nag-iisang Megastar na si Sharon Cuneta sa mga bashers nito na napuna ang pamimili niya ng mga mamahaling gamit sa isang kilala atr sosyal na brand sa buong mundo.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel