Brenda Mage, umalma sa mga nagsabing uhaw siya sa exposure

Brenda Mage, umalma sa mga nagsabing uhaw siya sa exposure

- Sinagot ni Brenda Mage ang mga komento laban sa kanya kaugnay sa pagsali niya sa Miss Q & A sa "It's Showtime"

- May mga nagsabi kasi na hindi na niya kailangang sumali pang muli dahil wala na siyang dapat patunayan lalo at sikat na siya

- Para naman kay Brenda, wala namang mawawala sa kanya at hindi ikakababa ng pagkatao niya kung matatalo siya

- Sa kabila ng kanyang pagkatalo ngayong araw ay masaya si Brenda na nakapagpasaya siya ng mga tao at natupad niya ang hiling ng mga taong malapit sa kanya na makapanood nang personal sa It's Showtime studio

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Ayon kay Brenda Mage hindi naman ikakababa ng pagkatao niya na matalo sa kanyang muling pagsalang sa Miss Q & A. May mga nagsabi kasi na hindi na siya dapat sumali dahil mapapahiya lang siya kapag natalo siya.

Read also

Andrea Brillantes, binati si Ricci Rivero sa National Boyfriend’s Day

Brenda Mage, umalma sa mga nagsabing uhaw siya sa exposure
Brenda Mage, umalma sa mga nagsabing uhaw siya sa exposure (facebook.com/BrendaMageOfficial)
Source: Facebook

Ani Brenda, wala namang bago dahil ilang beses na rin siyang natalo. Kapag nanalo siya ay maituturing umano niyang maswwerte siya dahil sa sobrang gagaling ng kanyang mga makakatunggali.

PAY ATTENTION: Follow us on Instagram - get the most important news directly in your favourite app!

Sa kabila ng kanyang pagkatalo ngayong araw ay masaya si Brenda na nakapagpasaya siya ng mga tao at natupad niya ang hiling ng mga taong malapit sa kanya na makapanood nang personal sa It's Showtime studio.

Si Bryan Roy Tagarao o mas kilala bilang si Brenda Mage ay isang komedyante na naging bahagi ng Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 bilang isa sa mga celebrity housemates. Si Brenda ay naging bahagi ng final 5 ng nasabing programa, kasama sina Madam Inutz, Samantha Bernardo at ang top 2 na sina Anji Salvacion at Alyssa Valdez.

Sa naunang ulat ng KAMI, binigyan ni Brenda ng bagong cellphone ang kanyang boyfriend na si Gio Sta. Ana. Sa isang Facebook post ay binahagi niya ang pictures ng boyfriend at pabirong pinahagingan ang aniya'y mga "Marites." Nilinaw niyang binahaginan lamang niya ang boyfriend ng kinita ng kanyang vlog kung saan pumunta siya sa bahay nito. Matatandaang kamakailan lang ay diretsahan ding binuweltahan ni Brenda ang mga bashers niya na nagsasabing pera lang ang habol sa kanya ng boyfriend.

Binahagi ni Brenda ang kanyang susunod na ipapagawa matapos ang pinagawa niyang bahay niya sa kanilang probinsiya. Aniya, dahil natapos na ang bahay niya at ng kanilang mama, ipapagawa niya na rin ang bahay ng kanyang ate. Pagkatapos umano ang bahay ng ate niya ay isusunod niyang papaayos ang bahay ng isa pang kapatid niya na lalaki. Pabiro pa nitong siningil ang aniya'y may utang sa kanya para aniya ay pangdagdag lang sa pagpapagawa niya ng bahay.

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel