Sen. Robin Padilla, nagpasalamat sa lahat ng mga nanalangin para sa kanya

Sen. Robin Padilla, nagpasalamat sa lahat ng mga nanalangin para sa kanya

- Pinagpasalamat ni Sen. Robin Padilla ang lahat na natanggap na mensahe at panalangin para sa kanyang paggaling

- Ito ay matapos niyang sumailalim sa operasyon matapos makitaan ng bara sa isang bahagi ng kanyang puso

- Kalakip ng kanyang pasasalamat ay binahagi niya ang nilabas niyang pahayag kaugnay sa isinagawang operasyon sa kanya

- Marami naman ang nagpaabot ng kanilang mensahe na nagsasabing dasal nila ang mabilis na paggaling ng senador

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Nagpasalamat si Sen. Robin Padilla sa lahat na natanggap na mensahe at panalangin para sa kanyang paggaling. Kalakip ng kanyang pasasalamat ay binahagi niya ang nilabas niyang pahayag kaugnay sa isinagawang operasyon sa kanya.

Sen. Robin Padilla, nagpasalamat sa lahat ng mga nanalangin para sa kanya
Sen. Robin Padilla, nagpasalamat sa lahat ng mga nanalangin para sa kanya (@robinhoodpadilla)
Source: Instagram
Maraming salamat po sa lahat ng mga nanalangin at sa mga salmo ng pag aalala.

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Read also

Sen. Robin Padilla, ibinahaging may nakita raw na baradong parte ng kanyang puso

Marami naman ang nagpaabot ng kanilang mensahe na nagsasabing dasal nila ang mabilis na paggaling ng senador.

Mag pagaling ka idol Robin Padilla.. kailangan ka pa ng taong bayan pra sa pag babago.. God bless.
Sana po bigyan po kayo ng malusog n pangangatawan at matibay na pag iisip para po sa araw araw na pakikibaka .. para sa mga Pilipino..wag po sana kayo magkakasakit..marami p po ang umaasa sa inyo.
Magpalakas ka kapatid, maraming nagmamahal sa yo, at umaasa sa yo, dahil ikaw puede mag action kaagad sa mga nangangailangan.

Si Robinhood Ferdinand Cariño Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director at nationalist. Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin saWowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Read also

Amang naiyak sa panlilimos para sa may sakit na anak, umantig sa puso ng marami

Si Robin mismo ang naghayag ng kanyang pasasalamat kay Kris Aquino sa tulong nito sa kanya nitong nakaraang eleksiyon. Ayon sa senador, hindi umano sila bumitiw kay Kris simula nang malaman nilang mag-asawa ang tungkol sa pagkakasakit nito.

Si Kris Aquino umano mismo ay gumawa ng paraan para makatulong sa kandidatura ni Robin Padilla noong panahon ng eleksiyon. Sa isang Facebook post ay binahagi ni Robin ang pasasalamat niya kay Kris sa tulong na binigay nito sa kanya kahit tumatakbo sa ilaim ng UniTeam si Robin.

Bagong feature: Tingnan ang mga balitang para sa'yo ➡️ hanapin ang "Recommended for you" block at mag-enjoy!

Source: KAMI.com.gh

Online view pixel